Toni Gonzaga, 'di umano makapaniwalang aso ang nagsalba ng buhay ni Robin Padilla

Toni Gonzaga, 'di umano makapaniwalang aso ang nagsalba ng buhay ni Robin Padilla

- Halos hindi umano makapaniwala si Toni Gonzaga na aso ang nakaligtas ng buhay ni Robin Padilla

- Ito ay matapos na aminin ng aktor na muntik na niyang kitilin ang sarili niyang buhay dala ng sinapit ng relasyon sa una niyang asawa

- Hindi umano handa si Robin noon sa naturang hiwalayan at talagang na-depress dahil a sa nangyari

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila hindi raw umano makapaniwala si Toni Gonzaga nang sabihin ni Robin Padilla na ang kanyang aso ang nagsalba ng kanyang buhay.

Toni Gonzaga, 'di umano makapaniwalang aso ang nagsalba ng buhay ni Robin Padilla
Toni Gonzaga at Robin Padilla (Photo: Toni Gonzaga Studio)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na noong panahong hiniwalayan si Robin ng una niyang misis na si Liezl Sicangco, aminado ang aktor na labis siyang nag-depress.

"Alam mo 'yung baril ko noong time na 'yun. Kasi nagpuputukan 'yung mga... New Year e. The next day 'yung aso ko nagpakamatay. Aso ko ha si Robin the dog. Next day, nabigti 'yung aso. Totoo 'yan, wala siya lang," pahayag ni Robin.

Read also

Robin Padilla, inaming na-depress nang hiwalayan ng unang asawa: "Hindi ako handa"

"Hindi nga, hindi nga. Sinong nagbigti sa kanya? Sinagip ka niya," ang nasabi ni Toni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng panayam kay Robin mula sa Toni Gonzaga YouTube channel:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang kilalang Filipina singer, television host, actress, producer at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Isa rin siya sa mga kilalang YouTube content creator kung saan na-interview niya ang ilang mga kilalang personalidad sa bansa kabilang na ang ilan sa mga matutunog na presidentiables para sa darating na eleksyon na sina Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo at si Bongbong Marcos na kanya umanong sinusuportahan.

Read also

Robin Padilla, naluha nang inalala ang buhay niya noon sa Bilibid

Kamakailan ay pinasalamatan niya lahat ng kanyang mga supporters gayung umabot na sa 7 million ang Instagram followers niya habang pumalo na sa limang milyon ang YouTube subscribers niya.

Kasunod nito ay ang pag-anunsyo ni Toni ang kanyang paglisan bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica