Robin Padilla, inaming na-depress nang hiwalayan ng unang asawa: "Hindi ako handa"

Robin Padilla, inaming na-depress nang hiwalayan ng unang asawa: "Hindi ako handa"

- Hindi sa naging nobyang artista kundi sa kanyang unang misis labis na nasaktan sa pag-ibig si Robin Padilla

- Hindi umano siya handa lalo na at ang asawa ang nakipag-divorce sa kanya

- Inamin ni Robin ang kanya umanong mga kalokohan na tila inilista ng dating misis na naging mitsa ng kanilang pagsasama

- Inamin niyang sa sobrang depresyon, muntik na niyang makitil ang sarili niyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ni Robin Padilla na maituturing niyang pinakamasakit na nangyari sa kanya sa pag-ibig ang pakikipaghiwalay sa kanya ng unang misis na si Liezel Sicangco.

Robin Padilla, inaming na-depress nang hiwalayan ng unang asawa; "Hindi ako handa"
Photo: Robin Padilla (Toni Gonzaga Studios)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naitanong sa kanya ni Toni Gonzaga nang maging panauhin siya nito sa Toni Gonzaga Studios.

Ayon kay Robin, hindi sa mga naging nobya niyang artista siya labis na nasaktan kundi sa ina ng ngayo'y aktres na rin na si Kylie Padilla.

Read also

Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes

Hindi raw handa si Robin sa naturang hiwalayan. Subalit isa sa nakikita niyang dahilan ay ang umano'y mga kalokohan niya na tila inipon lahat ni Liezel at tila ibinalik sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Masakit 'yun kasi ako ang dinivorce e, ako ang dinivorce!"

Inamin niyang na-depress siya sa pangyayaring ito na muntik pang maging rason upang kitilin niya ang sariling buhay.

Narito ang kabuuan ng naging panayam sa kanya ni Toni Gonzaga:

Si Robin Padilla ay isa mga kilalang action star at endorser sa bansa. Siya ay kasal sa TV host-actress na si Mariel Rodriguez-Padilla. Nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Si Robin din ang ama ng GMA actress na si Kylie Padilla.

Kasalukuyang tumatakbo sa pagka-senador si Robin para sa darating na Halalan sa Mayo 2022. Marami ang kumpiyansang mananalo umano ito gayung marami ang nakakakilala sa kanya.

Read also

Toni Gonzaga, 'di umano makapaniwalang aso ang nagsalba ng buhay ni Robin Padilla

Isa sa hayagang nagbigay ng suporta kay Robin ang social media personality na si Jam Magno. Ayon kay Jam, nakita niya kung gaano ka-busy si Robin sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Sa tindi umano ng pagtulong ni Robin, napansin ni Jam na maging ang Pasko at Bagong Taon ay isinakripisyo nito na makasama ang pamilya para lang tuloy-tuloy ang pagtulong sa mga hindi pa natin nakakabangong mga kababayan dahil kay 'Odette'.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel