Sarah Abad at Jay Contreras, muling nagkasama sa kaarawan ng kanilang anak
- Isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni Sarah Abad para sa anak nila ni Jay Contreras na si Isla Contreras
- Nagdiwamg ng kanyang ika-12 na kaarawan ang kanilang anak at muli silang nagkasama
- Sa mensahe ni Sarah, sinabi niyang pinagmamalaki nilang maayos na tinanggap ng kanilang anak ang kanilang sitwasyon
- Matatandaang taong 2020 nang isapubliko ni Sarah ang tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Jay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kanyang Instagram post, inihayag ng anak nina Sarah Abad at Jay Contreras ang kanyang kasiyahan na muli silang magkasama ng kanyang mga magulang. Matatandaang taong 2020 nang isapubliko ni Sarah ang tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Jay.
Sa birthday message ni Sarah para sa anak, sinabi niyang ipinagmamalaki niyang maayos ang pagtanggap ng anak sa desisyon nila ng kanyang ama.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
We are proud of many things about you, but what we’re proudest of is how you’ve accepted our situation with so much understanding, love, and maturity. We’ve been honest with you ever since we made the decision and you, not once, showed hatred or resentment but instead remained the loving daughter you’ve always been. I am amazed at how strong and resilient you’ve become.
Ani Sarah, palagi lang silang naroroon para sa kanilang anak ano man ang sabihin ng ibang tao tungkol sa kanila.
Whatever happens and whatever other people might say about us, continue to focus on yourself, goals, and dreams. We’ll always be here for you, to love and support you. We’ll always be the best team ever!
Si Sarah Abad ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't-ibang palabas ng Kapamilya network kagaya ng FPJ's Ang Probinsyano at sa Los Bastardos. Kapatid siya ng aktres na si Kaye Abad.
Ikinasal ang mag-asawa noong 2009 at nabiyayaan ng dalawang anak, sina Kidlat Caia, at Isla Eunan.
Matatandaang matapos ang kanyang pagtigil sa pag-aartista ay bumalik sa pag-arte si Sarah noong 2018.
Taong 2020 nang aminin ng aktres ang tungkol sa paghihiwalay nila ng lead vocalist ng bandang Kamikazee na si Jay Contreras. Sa kabila ng paghihiwalay, mananatili umano silang maayos at mapagmahal na magulang sa kanilang mga anak.
Source: KAMI.com.gh