Sarah Abad, hiwalay na sa lead vocalist ng Kamikazee na si Jay Contreras

Sarah Abad, hiwalay na sa lead vocalist ng Kamikazee na si Jay Contreras

- Marami ang nabigla sa balitang hiwalay na ang mag-asawang Jay Contreras at asawang si Sarah Abad

- Nagsimulang lumabas ang balita matapos mag-iwan ng komento ang aktres sa Mother's Day post ni Jay sa Instagram

- Matapos naglabasan ng reaksiyon at tanong mula sa mga netizens at fans nilang dalawa, nagbigay ng pahayag ang aktres

- Ikinasal ang mag-asawa noong 2009 at nabiyayaan ng dalawang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinabigla ng mga netizens at tagasuporta ng mag-asawang Jay Contreras at Sarah Abad ang naging pahayag ng aktres sa isang Instagram post ng Kamikazee singer para sa Mother's Day.

"It may not be the same between us, but ill be forever grateful for giving me 2 wonderful angels. Thank ," ito ang naging komento ni Sarah na naging dahilan ng paglabas ng espikulasyon na nagkahiwalay na sila.

Matapos ang ilang araw, naglabas ng pahayag si Sarah sa kanyang Instagram post at nagpasalamat siya sa lahat ng nagpahayag ng suporta sa kanila matapos lumabas ang balita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I appreciate all the love and overwhelming support people have sent and continue sending our way, most especially to all my friends who have reached out. Soon, I might have the courage to talk to all of you,” aniya.

Mananatili umano silang maayos at mapagmahal na magulang sa kanilang mga anak.

“Please know that Jay and I will remain good friends and loving parents to our kids. It would be a new journey for both of us. This has been heartbreaking and painful, but always praying for strength and acceptance. Thank you.”

Sarah Abad, hiwalay na sa lead vocalist ng Kamikazee na si Jay Contreras

Sarah Abad, hiwalay na sa lead vocalist ng Kamikazee na si Jay Contreras
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ikinasal ang mag-asawa noong 2009 at nabiyayaan ng dalawang anak, sina Kidlat Caia, 14, and Isla Eunan, 10.

Si Sarah Abad ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't-ibang palabas ng Kapamilya network kagaya ng FPJ's Ang Probinsiyano at sa Los Bastardos. Kapatid siya ng aktres na si Kaye Abad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING? Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo? Ano masasabi nyo?. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel