Andi Eigenmann, pinakita ang pinapatayong shop nila sa Siargao

Andi Eigenmann, pinakita ang pinapatayong shop nila sa Siargao

- Sa kanilang pagbabalik sa Siargao, ibinahagi ni Andi Eigenmann na naging abala ang kanyang partner na si Philmar Alipayo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Tumutulong ito sa ginagawang shop na para sa kanilang surf school na ang pangalan ay Kanaway Surf School

- Mayroon din silang bubuksan na snack bar malapit sa surf school na kanilang sisimulan

- Ipinakita din ni Andi ang mga bagay na kanilang pinagkaabalahan simula nang makaauwi silang muli sa Siargao

Ibinahagi ni Andi Eigenmann na naging abala sila simula nang makauwi sila sa Siargao kamakailan. Sa kanyang bagong video na sinabi ni Andi na magbubukas sila ng surf school pati na rin snack bar malapit sa kanilang surf school.

Andi Eigenmann, pinakita ang pinapatayong shop nila sa Siargao
Andi Eigenmann (@andieigengirl)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Maxine Medina, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Tumulong si Philmar Alipayo sa pagsasaayos ng kanilang shop na aniya ay malapit nang magbukas.

Bilang isang professional surfer, magbubukas ng surf school ang mag-asawa. Nakatakda umanong buksan ang Kanaway Surf School.

Ipinakita din ni Andi ang mga bagay na kanilang pinagkaabalahan simula nang makaauwi silang muli sa Siargao. Marami sa mga viewers niya ang natuwa na makita ang simpleng pamumuhay ng mag-anak:

Ang sarap naman ng life style ng family ni miss Andi, simple, peaceful and so beautiful. Good luck to Happy Islanders new shop. God bless.
Your vlog Miss Andi makes me feel destressed :) Your lifestyle is simple, even the kids are enjoying the simple life on the island. A dream to many. Thank you and God bless your family.
Napaka humble ni Philmar at simple lang na tao at ganun din c Andi simple lang ang pamumuhay pero they look happy and contented. Katuwa c Lilo may sariling friends malalaki sa kanya at c Ellie din may set of friends din sa susunod c Koa na may barkada na rin yan

Read also

Ivana Alawi, sinali ang kanyang driver sa "One Minute Hakot Challenge"

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Matatandaang Enero noong nakaraang taon nang manganak si Andi sa kanyang ikatlong anak. Ito ang ikalawang anak nila ni Philmar Alipayo na kasunod ng anak nilang si Lilo.

Kamakailan, naging usap-usapan din ang ibinahagi ni Philmar Alipayo sa social media nang mapag-tripan niyang asarin si Andi.

Nag-viral din ang update na ibinahagi nina Philmar at Andi tungkol sa pinapatayo nilang bahay sa Siargao.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel