Sarah Abad, balik sa pag-aartista matapos ang mahigit dalawang dekada

Sarah Abad, balik sa pag-aartista matapos ang mahigit dalawang dekada

- Muling nagbabalik showbiz ang kapatid ng aktres na si Kaye Abad

- Dati na rin siyang naging artista at ngayon ay bumabalik matapos ang 2 dekada

- Kabilang siya sa pelikula na pinagbibidahan ni Erich Gonzales na "We Will Not Die Tonight"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang higit sa dalawang dekadang showbiz hiatus, muling nagbabalik ang kapatid ni Kaye Abad na si Sarah Abad. Isa siya sa mga aktres na bumuo ng “We Will Not Die Tonight” na pinagbidahan ni Erich Gonzales.

Naging bahagi siya ng pelikula nina Dawn Zulueta at Christopher de Leon noong 1993 kung saan nanalo ng award si Sarah sa kanyang mahusay na paggananp.

Nakasama rin niya sina Lorna Tolentino, Edu Manzano, Gabby Concepcion at Zsa Zsa Padilla sa “Kung Ako’y Iiwan Mo.”

Siya ang gumanap na batang Nora Aunor sa pelikulang "Bakit May Kahapon Pa" kasama sina Dawn at Eddie Garcia.

Napagpasiyahan niyang mag focus sa pag-aaral noong nag high school siya.

“And then, nu’ng college po meron po akong gustong pasukan na school, Assumption (College), nag-focus na naman ako sa studies, bawal po kasi ang artista doon. So, hindi na naman ako pwedeng lumabas sa TV,” kwento ng kapatid ni Kaye.

Nagkaanak at asawa na rin siya nang matapos niyang magkolehiyo. Siya ang asawa ng lead vocalist ng Kamikazee na si Jay Contreras. May dalawang anak sila na isang 12 year old boy at eight year old na girl.

Proud naman daw ang kniyang mga anak sa muli niyang pagbabalik sa showbiz. Gayunpaman, hindi pa pwede sa kanila kaya hindi nila iyon mapapanood.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel