Cristy Fermin, sinabing damage control ang pagbawi ni PJ Abellana sa pahayag

Cristy Fermin, sinabing damage control ang pagbawi ni PJ Abellana sa pahayag

- Sa online show ni Cristy Fermin na "Showbiz Naw Na!, napag-usapan nila ang tungkol sa mainit na isyu kaugnay sa hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana

- Hinimay nila ang tungkol sa naging aksyon ni PJ Abellana matapos niyang magsalita kaugnay sa dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa

- Anila, ang biglang pagbawi ni PJ ay damage control lamang lalo at napabalita umanong nagalit si Carla sa ama

- Maari umanong magsalita si Carla tungkol sa isyung ito sa media conference ng bago nitong teleserye

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos nga bawiin ni PJ Abellana ang kanyang pahayag na nagkaroon ng ka-one night stand si Tom Rodriguez na siyang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng asawang si Carla Abellana, lalong naging maingay ang isyu. Damage control lamang umano ang pagbawi ni PJ sa kanyang pahayag.

Read also

Ana Jalandoni, desididong magsampa ng kaso kay Kit Thompson ayon sa kanyang abogado

Cristy Fermin, sinabing damage control ang pagbawi ni PJ Abellana sa pahayag
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Sa online show ni Cristy Fermin na Showbiz Naw Na!, napag-usapan nina Cristy Fermin at ng kanyang dalawang kasama ang umano'y reaksiyon ni Carla kaugnay sa pagsasalita ng ama. Anila, hindi naging madali para sa ama ng aktres na bawiin ang sinabi gayong alam nito ang totoo.

Nagalit umano si Carla sa ama at lumabas pang absent father umano si PJ. Ani Nay Cristy, ang paghihiwalay ni PJ at ng dating asawa ay napagkasunduan kaya hindi naman umano tama ang sabihing absent father ang aktor.

Maari umanong magsalita si Carla tungkol sa isyung ito sa media conference ng bago nitong teleserye kaya anila ay dapat abangan ng madla ang magiging pahayag ni Carla.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Read also

Cristy Fermin, diretsang sinabi kay Diego Loyzaga na ayaw niya si Barbie Imperial

Masaya umano si Carla na tumira si Tom sa bahay niya dahil wala siyang kasama dahil matapos ang pagpapatupad ng mga lockdown ay wala siyang kasama dahil nagsiuwian sa kani-kanilang pamilya ang mga kasama niya sa bahay.

Kamakailan lang ay inamin ni Carla na hindi sila laging sweet ng nobyo na ngayon ay asawa na niyang si Tom Rodriguez. Matatandaang nagsama na ang dalawa sa isang bubong simula nang magkaroon ng pandemya.

Sinagot din ni Carla ang katanungan kung kailan sila ikakasal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel