Cristy Fermin, diretsang sinabi kay Diego Loyzaga na ayaw niya si Barbie Imperial

Cristy Fermin, diretsang sinabi kay Diego Loyzaga na ayaw niya si Barbie Imperial

- Diretsahang sinabi ni Cristy Fermin na ayaw umano niya sa aktres na si Barbie Imperial

- Ito ay matapos na kumontak sa kanya ng dati nitong nakarelasyon na si Diego Loyzaga

- Sa kabila ng paghanga ni Cristy sa magandang pag-uugali at pagiging marespeto ni Diego, ganoon na lamang ang pag-ayaw naman nito sa ex-girlfriend nito

- Paliwanag ni Cristy, puro 'negativity' umano ang buhay ni Barbie kaya't paano raw niya ito mamahalin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Diniretsa ni batikang showbiz reporter na si Cristy Fermin ang aktor na si Diego Loyzaga patungkol sa impresyon niya kay Barbie Imperial.

Cristy Fermin, diretsang sinabi kay Diego Loyzaga na ayaw niya si Barbie Imperial
Cristy Fermin, diretsang sinabi kay Diego Loyzaga na ayaw niya si Barbie Imperial (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naikwento ni Cristy ang umano'y pagkontak sa kanya ni Diego at nakiusap na burahin ang isang artikulo nito patungkol sa dating karelasyon na si Barbie.

Isa rin umano sa mga inalam ng aktor sa kanyang Tita Cristy ay kung sino ang source nito sa mga naisusulat lalo na ang tungkol sa mga pinagdaanan nila noon ni Barbie.

Read also

Cristy Fermin, puring-puri ang magandang pag-uugali ni Diego Loyzaga

Sa kabila ng paghanga ni Cristy sa pagiging marespeto at pagiging magalang ng aktor na maayos umanong napalaki ng inang si Teresa Loyzaga, ganoon na lamang ang pag-ayaw naman niya sa ex-girlfriend ni Diego.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sorry Diego ah, If you still love her ok lang, pero I don't like her!"

Nang tanungin naman siya ni Diego, kung bakit diretsahan din niyang ibinigay ang kanyang rason.

"Paano ko naman mamahalin ang isang tao na puro negativity ang buhay" matapang na pahayag ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy patungkol sa naging usapan nila Diego na mapapanood din sa YouTube channel niyang Showbiz Now Na!:

Si Diego Loyzaga ay isang aktor sa Pilipinas na anak ng mga kilalang artista rin sa bansa na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Read also

Valentine Rosales, nag-sorry dahil sa kontrobersyal na 7-Eleven 'Story Time' niya

Kababalik lamang kamakailan ng aktor mula sa naging bakasyon niya sa Amerika na isa umano sa naging ugat ng hiwalayan nila ng dating kasintahan na si Barbie Imperial.

Naikwento naman ng online personality na si Xian Gaza ang mga detalye umano ng hiwalayan ng dalawa na naganap bago magtungo si Diego sa Amerika kung saan ito nagdiwang ng Kapaskuhan noong 2021.

Matatandaang nito lamang Pebrero, inamin mismo ni Barbie na tapos na ang relasyon nila ni Diego na tumagal din ng ilang buwan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel