Dagul, nagbabantay sa munting tindahan nila sa kanilang bahay
- Kung walang trabaho sa command center ng baranggay nila kung saan siya ang head, nagbabantay umano si Dagul ng kanilang munting tindahan sa kanilang bahay
- Mabagal umanong magbigay ng sukli si Dagul dahil na rin sa kanyang kalagayan at sumasakit na rin umano ang kanyang tuhod
- Gayunpaman, hindi ito naging hadlang kay Dagul na maging kapaki-pakinabang pa rin sa kanilang bahay
- May trabaho man at tindahan, hindi sapat ang kanilang kinikita para mabayaran ang pagkakautang nila sa paaralan ng anak
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nakwento ni Dagul na tuwing wala siyang trabaho sa command center kung saan siya ang head, tumutulong siya sa kanyang asawa sa pamamagitan ng pagbantay sa kanilang munting tindahan sa kanilang bahay. Aniya, abala din ang kanyang misis na asikasuhin ang mga gawain nito sa kanilang bahay.
Kwento pa ni Dagul, minsan ay hinahanap pa siya ng mga bumibili dahil hindi kaagad siya nakikita. Mabagal din umano siyang magbigay ng sukli dahil sa kanyang taas at sumasakit na rin ang tuhod niya.
Gayunpaman, hindi ito naging hadlang para makatulong siya. Marami ang humanga sa pinapakitang ito ni Dagul:
Maliit pero malaki ang pagmamahal at puso sa pamilya, his daughter is pretty ❤️ salamat din po sir Ogie for helping her
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakakaiyak and nakakainspire good luck po sa family nyo Sir Dagul stay strong Lang to each one of us.
Dagul is an inspiring father. S kabila ng estado nya. Sabi nya di normal...napaka normal nya.. kumpara s malaki pangangatawan malakas pero gumagawa ng d mganda pra mabuhay at ung iba kain tulog lang
Si Romy Pastrana o mas kilala sa kanyang screen name na Dagul. Nadiscover siya ng singer-host na si Randy Santiago. Si Santiago din ang nagbansag sa kanya ng "Dagul" na kadalasang nangangahulugang mataas o malaking tao na kabaliktaran ng kanyang tangkad.
Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Isprikitik, Walastik Kung Pumitik (1999) at Juan & Ted: Wanted (2000) . Nakasama din siya sa comedy sitcom na Kool Ka Lang (2001).
Isa siya sa naging regular na cast ng Goin' Bulilit. Siya lamang ang nagtagal doon hindi kagaya sa ibang mga cast na mga bata na kailangang grumaduate kapag dumating na sa tamang gulang.
Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang pagdulog ng kinakasama ng anak ni Dagul sa programa ni Raffy Tulfo upang mabawi ang mga anak sa dating kinakasama.
Kinalaunan ay nabawi din nito ang kanyang mga anak.
Source: KAMI.com.gh