Ogie Diaz, sasagutin ang bayarin sa paaralan ng anak ng komedyanteng si Dagul
- Sa kanyang panayam sa mag-amang Dagul at Jkhriez Pastrana, napag-alaman ni Ogie Diaz ang problema nila sa paaralan nito
- Kahit honor student ay nanganganib na hindi ito makapagtapos ng Grade 12 dahil sa balanse nito sa kanyang tuition fee mula nang siya ay nasa grade 7
- Naiyak ang anak ni Dagul nang sabihin ni Ogie na sasagutin niya na ang bayarin nito sa kanyang paaralan para maka-graduate siya
- Para sa kanyang kurso sa kolehiyo, nais umano ni Jkhriez na kumuha ng kursong abogasya
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Minabuti ni Dagul na tawagan si Ogie Diaz para humingi ng tulong sa kanyang bayarin sa paaralan ng anak. Kahit honor student ay nanganganib na hindi ito makapagtapos ng Grade 12 dahil sa balanse nito sa kanyang tuition fee mula nang siya ay nasa grade 7.
Malaki umano ang pasasalamat ni Dagul dahil sinagot ni Ogie ang kanyang tawag at lalo itong naiyak nang sabihin ni Ogie na siya na ang magbabayad sa paaralan para makapagtapos ang anak ni Dagul sa Grade 12.
Naiyak din ang anak ni Dagul na pangarap ay maging abogado. Aniya, pangarap niya para sa kanyang pamilya na mabigyan sila ng magandang bahay at makapunta sa mga lugar na hindi nangangamba na hindi nila kakayaning bayaran ang mga bilihin.
Abot-abot ang pasasalamat ng mag-ama sa kabutihang loob ni Ogie.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Romy Pastrana o mas kilala sa kanyang screen name na Dagul. Nadiscover siya ng singer-host na si Randy Santiago. Si Santiago din ang nagbansag sa kanya ng "Dagul" na kadalasang nangangahulugang mataas o malaking tao na kabaliktaran ng kanyang tangkad.
Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Isprikitik, Walastik Kung Pumitik (1999) at Juan & Ted: Wanted (2000) . Nakasama din siya sa comedy sitcom na Kool Ka Lang (2001).
Isa siya sa naging regular na cast ng Goin' Bulilit. Siya lamang ang nagtagal doon hindi kagaya sa ibang mga cast na mga bata na kailangang grumaduate kapag dumating na sa tamang gulang.
Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang pagdulog ng kinakasama ng anak ni Dagul sa programa ni Raffy Tulfo upang mabawi ang mga anak sa dating kinakasama.
Kinalaunan ay nabawi din nito ang kanyang mga anak.
Source: KAMI.com.gh