Angel Locsin, nakikisaya sa crowd ng Pasig rally ng ng Leni-Kiko tandem
- Namataan sa crowd ng supporters ng Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem si Angel Locsin
- Kasama niya sa naturang People's rally ng mga Kakampink ang mister niyang si Neil Arce
- Pre-event pa lamang, dagsa na ang tao sa Emerald Ave na matiyagang nag-aabang na mapakinggan ang suportadong mga kandidato
- Bukod kay Angel, padagdag na ng padagdag ang mga celebrities na naghahayag ng kanilang suporta kay Vice President Leni Robredo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Present ang real-life 'Darna' na si Angel Locsin sa crowd ng mga 'Kakampink' sa ginaganap na People's rally sa Pasig ngayong Marso 20.
Nalaman ng KAMI na hindi pa man nagsisimula ang mismong palatuntunan, dagsa na ang mga tao sa Emerald Avenue kung saan makikita at mapakikinggan ang pahayag ng mga kandidato sa grupo ni presidential candidate VP Leni Robredo at vice presidential candidate Senator Kiko Pangilinan.
Kasama ni Angel ang kanyang mister na si Neil Arce at dala nila ang placard na may nakasulat na 'Ma'am Leni, sa'yo na ang bato!"
Masayang nakipag-picture si Angel sa mga kapwa niya 'Kakampink'.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, naibahagi rin ng aktres ang larawan kung saan isang bahaghari ang lumabas sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Bacolod.
May caption itong 'pag-asa', at hashtag na "MayTheLastManStandingBeAWoman."
Narito ang mga karawan ni Angel mula sa Pasig rally event na naibahagi ng Kapamilya Online World:
Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”
Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.
Katunayan, isa si Angel sa tahimik na tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette na tumama sa bansa noong Disyembre 16.
Sa post ni Kris Aquino, nabanggit nito na ipinaabot ni Angel ang donasyon niya na nagkakahalaga ng Php2 million kay Vice President Leni Robredo.
Source: KAMI.com.gh