Angel Locsin, humanga sa galing nina Sassa at Pipay sa 'Battle of the witty'
- Humanga si angel Locsin sa galing ng mga content creator na sina Sassa Girl at Pipay
- Naimbitahan niya kasi ang mga ito para sa tinawag niyang 'Battle of the witty'
- Tungol sa simple math, general knowledge at current affairs ang mga naitanong niya sa mga ito
- Habang si Angel naman ay natanong ng dalawa tungkol sa mga terms na ginagamit sa TikTok at iba pang social media
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bumilib si Angel Locsin sa galing ng mga content creator na sina Sassa Girl at Pipay.
Nalaman ng KAMI naimbitahan nina Angel at asawa nitong si Neil Arce ang dalawang online personalities na nagbigay saya sa atin noong nakaranas tayo ng community quarantine.
Ayon kay Angel, wala man siyang TikTok ngunit nakakapanood naman siya ng mga TikTok ng dalawa niyang bisita.
Una munang hinamon nina Sassa at Pipay si Angel at tinanong tungkol sa mga terms na ginagamit sa TikTok at iba pang social media.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sumunod naman na nagtanong si Angel sa dalawa at paunahan ang mga ito na sumagot.
Simple math, general knowledge at maging current affairs ang mga naitanong ni Angel sa dalawa.
Napahanga lalo siya nang ang mga sinagot ng dalawa ay tungkol sa ilang isyu na nararansan natin sa bansa.
"Ang gaganda ng mga sagot niyo bakit hindi kayo tumakbo?" ani Angel sa dalawa.
Narito ang kabuuan ng video mula sa The Angel and Neil channel:
Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”
Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.
Katunayan, isa si Angel sa tahimik na tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette na tumama sa bansa noong Disyembre 16.
Sa post ni Kris Aquino, nabanggit nito na ipinaabot ni Angel ang donasyon niya na nagkakahalaga ng Php2 million kay Vice President Leni Robredo
Source: KAMI.com.gh