Rabiya Mateo, nag-post ng sweet photos nila ng rumored boyfriend na si Jeric Gonzales

Rabiya Mateo, nag-post ng sweet photos nila ng rumored boyfriend na si Jeric Gonzales

- Marami ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan para sa Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo

- Ito ay matapos niyang mag-post ng mga pictures niya kasama ang napapabalitang boyfriend na si Jeric Gonzales

- Bukod sa kapansin-pansin na pagiging sweet nila, pinasalamatan din ni Rabiya sa Jeric

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Nakasulat din sa malaking titik ang salitang "love" sa kanyang caption na Live. LOVE. Laugh.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-post si Rabiya Mateo ng pictures nila ng napapabalitang boyfriend na si Jeric Gonzales. Kalakip sa kanyang post ang isang video kung saan karga siya ni Jeric sa kanyang likod habang pababa ng hagdanan.

Rabiya Mateo, nag-post ng sweet photos nila ng napapabalitang boyfriend na si Jeric Gonzales
Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

Hindi man direktang inamin ni Rabiya kung ano ang namamagitan sa kanila, kapansin-pansin ang kanilang pagiging sweet sa mga pictures. Nakasulat din sa malaking titik ang salitang "love" sa kanyang caption na Live. LOVE. Laugh..

Read also

Cristy Fermin, pinayuhan si Sharon Cuneta na huwag magpadala sa emosyon

Marami naman ang kinilig sa post na ito ni Rabiya. Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Rabiya kasama ang lalaking iniuugnay sa kanya. Kabilang ang dating nakalaban sa Miss Universe 2020 na si Amanda Obdam ng Thailand sa nag-comment sa kanyang post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naunang naging usap-usapan ang dalawa matapos silang mamataang magkasama ng ilang beses. Gayunpaman, walang nilabas na kumpirmasyon ang dalawa kaugnay dito.

Nag-viral din kamakailan ang video ng ilang netizen kung saan nagpapicture sila sa aktor habang nakasakay ito sa kanyang sasakyan. Siya ang nagmamaneho at namataan din si Rabiya na nakasakay sa pulang kotse ng aktor.

Matatandaang naunang naugnay sa aktres na si Sheryl Cruz si Jeric matapos silang magkasama sa isang teleserye.

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa lungsod ng Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa mga kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Ibinahagi naman ng ina ni Rabiya ang mga katangiang mayroon ang anak. Hindi din nito napigilang magsalita laban sa mga bashers ng kanyang anak na kasalukuyang nasa America pa rin.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel