Cristy Fermin, pinayuhan si Sharon Cuneta na huwag magpadala sa emosyon

Cristy Fermin, pinayuhan si Sharon Cuneta na huwag magpadala sa emosyon

- Sa isang episode ng 'Showbiz Now na!' napag-usapan nina Cristy Fermin at kanyang kasamahan ang tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Sharon Cuneta

- Kaugnay ito sa kanyang paglabas ng saloobin matapos kantahin ang kanyang awitin ni Senatorial aspirant Salvador Panelo

- Ani nay Cristy, dapat ay hindi nagpadaig sa kanyang emosyon si Sharon at dapat utak ang kanyang gamitin

- Aniya, dapat iwasang gumamit ng social media kapag nasa masidhing emosyon lalo at isa siyang public figure

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para kay Cristy Fermin, tila nabura na ang napakaraming magandang nagawa ng Megastar na si Sharon Cuneta dahil lamang sa isang pagkakamali na dala ng bugso ng kanyang damdamin. Payo ni Nay Cristy, dapat ay hindi nagpadaig sa kanyang emosyon si Sharon at dapat utak ang kanyang gamitin.

Cristy Fermin, pinayuhan si Sharon Cuneta na huwag magpadala sa emosyon
Sharon Cuneta (Photo by Enrique Soriano/Bloomberg)
Source: Getty Images

Aniya, dapat iwasang gumamit ng social media kapag nasa masidhing emosyon lalo at isa siyang public figure.

Read also

Rabiya Mateo, nag-post ng sweet photos nila ng rumored boyfriend na si Jeric Gonzales

Kaugnay ito sa kanyang binitawang kontrobersiyal na pahayag matapos kantahin ni Senatorial aspirant Salvador Panelo ang isa sa awiting kanyang pinasikat. Lalong sumidhi ang mga pambabatikos nang sabihin ni Panelo ang aniya'y tunay na kahulugan sa kanya ng kanta.

Aniya, nakapagpaalam din siya sa Viva kaugnay sa pagkanta niya ng awitin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Hindi halatang inis yung naka-blue shirt kay Sharon.. haha! Nobody’s perfect. True, what is done cannot be undone BUT learning from mistakes and keeping it from happening again is the beauty of life. Wag tayo masyadong mapanghusga ng kapwa pls. Be that as it may, I will still watch you guys dahil entertaining, fast-paced and fresh ang mga balita. Keep it up!
May mali man si mega di pa rin maganda na kantahin mo sa campaign ang kanta ng kalaban mo, di makikialam si mega at matutuwa pa sya kung kinanta Yung kanta nya pag may okasyon pero iba Yung sitwasyon ngyon e campaign period.

Read also

Kris Aquino, tapos na sa kanyang ikalawang dose ng XOLAIR infusion

Lilipas lang tong issue na to Gaya ng ibang negative issues sa knya dati. Mega is mega pa rin.

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang post ng Megastar kung saan kapansin-pansin ang kanyang pagbawas ng timbang.

Naibahagi niya din kamakailan ang kanilang simple na pagdiriwang sa kaarawan ng anak niyang si Miel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel