Baron Geisler, pinasalamatan ang supportive na misis sa pinakabago niyang proyekto

Baron Geisler, pinasalamatan ang supportive na misis sa pinakabago niyang proyekto

- Pinasalamatan ni Baron Geisler ang kanyang misis na si Jamie na supportive umano sa pinakabago niyang proyekto

- Ito ay matapos ang kontrobersyal na post ng misis sa 'di umano'y isang Viva talent na tila nadala raw ang role sa totoong buhay

- Burado na ang naturang post at mapapansing kasama rin mismo ni Baron ang misis sa set ng bagong pelikula

- Nag-congratulate din naman si Jamie sa mister at inaming tila hesitant sila sa umpisa na tanggapin ang proyekto ngunit ngayon ay matagumpay na natapos

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasamang pinasalamatan ni Baron Geisler ang misis na si Jamie sa kanyang post tungkol sa katatapos lamang niyang proyekto.

Baron Geisler, pinasalamatan ang supportive na misis sa pinakabago niyang proyekto
Baron Geisler, pinasalamatan ang supportive na misis sa pinakabago niyang proyekto (@baron.geisler)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay ang proyekto ni Baron sa Vivamax na 'Pusoy' sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Sa kanyang Instagram post, pinasalamatan niya ang lahat ng bahagi ng set ng pelikula at sinabing nagtrabaho talaga siya para sa pamilya.

Read also

Doug Kramer, isiniwalat ang makailang beses na nabigong sundan si Gavin sa pamamagitan ng IVF

Nabanggit din niya ang pagiging supportive ng kanyang misis sa proyekto niyang ito at makikitang kasama rin niya sa set sa naibahaging larawan sa post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Maraming Salamat po sa lahat! Nag tatrabaho lang po para sa pamilya. I value my family so much. Sobrang supportive ng asawa ko basta maayos lang. GODSPEED!"

Nagkomento din naman ang misis niyang si Jamie na nag-congratulate sa katatapos lang na proyekto. Aminadong hesistant daw sila noong una subalit nakita na nila ngayon ang kinalabasan ng proyekto.

"Congratulations, team Pusoy and most especially to my husband for a superb performance as always. We were very hesitant to take on this project but we have full trust in Sir Brillante Mendoza , Center Stage Productions, and Viva Entertainment that this will be tastefully done with utmost professionalism from everyone. Thank you!" ani Jamie Marie.

Read also

Pinay sa Ukraine, ibinahagi ang sitwasyon nila sa pagtatago sa basement

Matatandaang kamakailan ay sandaling gumawa ng ingay sa social media ang post ng misis ni Baron patungkol sa VIva talent na umano'y nag-book ng sasakyan para kay Baron patungo sa kanilang lugar para raw makipag-inuman.

Wala pang 24 oras, burado na ang nasabing post at tila naayos na nilang mag-asawa ang mga kaganapan.

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na artista sa Pilipinas. Kamakailan lamang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas ngayon dahil sa pandemya.

Isa si Baron sa mga aktor na gaganap sa 'Barumbadings' na pelikula ni Darryl Yap. Makakasama niya rito sina Mark Anthony Fernandez at Jeric Raval.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel