Diego Loyzaga, iwas pa rin sa tanong tungkol sa dahilan ng paghihiwaly nila ni Barbie Imperial

Diego Loyzaga, iwas pa rin sa tanong tungkol sa dahilan ng paghihiwaly nila ni Barbie Imperial

- Sa kanyang pagbabalik sa bansa mula sa kanyang pagbabakasyon, tipid pa rin ang sagot ni Diego Loyzaga kaugnay sa estado ng kanyang buhay pag-ibig

- Hindi nito diretsahang nabanggit ang tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Barbie Imperial ngunit aniya ay masaya siya sa kasalukuyan

- Idiniin niya rin ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili kagaya ng nauna na ring sinabi ni Barbie Imperial sa naunang mga panayam sa kanya

- Matatandaang kamakailan lamang nang inamin ni Barbie ang tungkol sa paghihiwalay nila matapos ang espikulasyon tungkol sa kanilang paghihiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na idinetalye ni Diego Loyzaga ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Barbie Imperial. Nakarating na muli ang aktor mula sa kanyang bakasyon sa Amerika.

Diego Loyzaga, iwas pa rin sa tanong tungkol sa dahilan ng paghihiwaly nila ni Barbie Imperial
Photo from Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Hindi nito diretsahang nabanggit ang tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Barbie Imperial ngunit aniya ay masaya siya sa kasalukuyan. Idiniin niya rin ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili kagaya ng nauna na ring sinabi ni Barbie Imperial sa naunang mga panayam sa kanya.

Read also

Doug Kramer, isiniwalat ang makailang beses na nabigong sundan si Gavin sa pamamagitan ng IVF

“What is my one-year plan, two-year plan, five-year plan? Where will I want to be? The US gave me a set of new eyes. Now I know what I want to do. What I’m saving up for. It was just very nice, very refreshing for me.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“My mind is in the right place. My heart is in the right place. I’m a very happy guy. Everything is great. Self-love is very important. Always love yourself first. I feel like I’m the new me, although physically, right now, I’m kind of sick. I guess it’s the jet lag and I have colds,”

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Read also

Pinay sa Ukraine, ibinahagi ang sitwasyon nila sa pagtatago sa basement

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Kinakiligan ng marami ang mensahe ni Diego kay Barbie na nagpapasalamat sa pagbigay umano nito ng kulay sa huling bahagi ng kanyang 2020.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel