Jelai Andres, muling nabiktima ng prank ni Buboy Villar

Jelai Andres, muling nabiktima ng prank ni Buboy Villar

- Muling nabiktima ni Buboy Villar ang malapit niyang kaibigan na si Jelai Andres sa kanyang inihandang prank

- Habang kumakain sila sa tabi ng pwesto ng paresan ni Buboy ay may dalawang lalaking humablot sa bag ni Jelai

- Gayunpaman, hindi masyadong apektado si Jelai dahil bag at salamin lang daw ang nahablot at hindi napasama ang kanyang cellphone

- Gayunpaman, hindi nito napigilang maiyak nang malamang prank lamang iyon at kasunod pala niyon ay ang sorpresang pagbati ni Buboy para sa kanyang kaarawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Natulala si Jelai Andres nang mahablot ang kanyang Dior na bag na naglalaman ng Louis Vuitton na salamin habang kumakain sila sa tabi ng pwesto ng paresan ni Buboy Villar. Lingid sa kanyang kaalaman ay prank pala iyon ni Buboy sa kanya.

Jelai Andres, muling nabiktima ng prank ni Buboy Villar
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Gayunpaman, hindi masyadong apektado si Jelai dahil bag at salamin lang daw ang nahablot at hindi napasama ang kanyang cellphone. Aniya, ayaw niyang ma-guilty si Buboy dahil sa nangyari.

Read also

Ivana Alawi, ipinangalan ang bagong bahay kina Mona at Mama Alawi

Gayunpaman, hindi nito napigilang maiyak nang malamang prank lamang iyon at kasunod pala niyon ay ang sorpresang pagbati ni Buboy para sa kanyang kaarawan. Ani Buboy, hindi siya nakarating sa surprise birthday celebration ni Jelai kaya naisipan niyang bumawi.

Bukod sa cake, may binigay ding tatlong artificial roses si Buboy. Ayon naman kay Jelai, naiyak siya dahil na-touch siya sa ginawang iyon ng kanyang kaibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang humanga kay Jelai na hindi na alintana ang mawalan ng mamahaling gamit basta hindi lang sumama ang loob ng kanyang kaibigan.

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel