Kim Chiu, kinuwento kung bakit sa tingin niya seloso si Xian Lim

Kim Chiu, kinuwento kung bakit sa tingin niya seloso si Xian Lim

- Sa vlog na ibinahagi ni Kim Chiu, sinagot nila ni Xian Lim ang ilang mga katanungan ng aktres na si Cheena Crab

- Kabilang sa naitanong sa kanila ay kung sino daw ba sa kanilang dalawa ang mas seloso o selosa at parehas nilang tinuro ang isa't-isa at ayon kay Xian kaya niya nasabing si Kim ang mas selosa ay dahil matanong umano ito

- Para naman kay Kim, umabot sa puntong nasaktan si Xian nang pisikal dahil sa kanyang pagseselos

- Gayunpaman, katwiran ni Xian ay hindi umano dahil sa selos iyon kundi dahil sa kanilang hindi pagkakaunawaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanilang Valentines Day trip, sumabak ang magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim sa Question and Answer session. Hindi nila inatrasan ang mga maintrigang katanungan na binigay ng aktres na si Cheena Crab.

Read also

Amy Perez, emosyonal na pinasalamatan si Ion Perez sa pagmamahal nito kay Vice Ganda

Kim Chiu, kinuwento kung bakit sa tingin niya seloso si Xian Lim
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Kabilang sa naitanong sa kanila ay kung sino daw ba sa kanilang dalawa ang mas seloso o selosa at parehas nilang tinuro ang isa't-isa at ayon kay Xian kaya niya nasabing si Kim ang mas selosa ay dahil matanong umano ito tungkol sa mga bagay-bagay kagaya na lang ng kung nasaan siya at sino ang kasama niya.

Aminado naman si Kim doon ngunit aniya ay matanong lang siya. Kwento pa ni Kim, sa sobrang seloso umano ni Xian ay naiuntog nito ang ulo niya sa manibela at natanggal umano ang ngipin nito.

Paglilinaw naman ni Xian, hindi iyon dahil sa selos kundi dahil sa kanilang hindi pagkakaunawaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa tanong na ito, halos kumbinsido at nagkasundo naman sila sa kasagutan ng isa't-isa sa iba pang mga tanong.

Read also

Donekla in Tandem, sa 3 linggong walang upload sa YT channel; "Maghiwalay na muna talaga"

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Kamakailan ay pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang sosyaling boots collection na kanyang nabili mula sa kanyang kita mula sa kanyang pag-aartista.

Naging viral din ang picture ni Kim kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na kuha mula sa kanilang Yoga session.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel