Ion Perez, emosyonal na nagbigay ng birthday message para sa kanyang ina

Ion Perez, emosyonal na nagbigay ng birthday message para sa kanyang ina

- Sa 70th birthday celebration ng ina ni Ion Perez na si Nanay Zeny, si Ion ang nagsilbing host

- Isa-isa silang magkakapatid ang nagbigay ng kanilang mensahe at marami sa kanila ang naging emosyonal

- Maging si Ion ay naiyak din habang binibigkas niya ang mensahe sa kanyang pinakamamahal na ina

- Marami naman ang naantig sa pagiging sweet ni Ion at ng kanyang mga kapatid sa kanilang ina

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Ion Perez habang nagbibigay siya ng mensahe para sa kanyang Nanay Zeny na nagdiwang ng kanyang ika-70 na kaarawan. Binaggit ni Ion kung gaano kabuting ina ang kanyang nanay.

Ion Perez, emosyonal na nagbigay ng birthday message para sa kanyang ina
Ion Perez at Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Subok niya na umano ang pagiging mabuting ina ng kanyang Nanay Zeny sa kabila ng mga hindi magandang nagawa niya noon. Muntik na umano siyang maligaw ng landas ngunit hindi siya sinukuan ng kanyang ina.

Read also

Ion Perez, pinasilip ang bonggang birthday celebration ng kanyang Nanay Zeny

Dagdag pa niya, kahit hindi ganun kadali ang kanilang pinagdaanan, hindi sila nang-aapak ng ibang tao at hangga't maari ay tutulong sila dahil ganoon daw sila pinalaki ng kanilang mga magulang.

Kahit umano dumating sa puntong alam nilang niloloko sila ay hindi sila nagdadamot ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa-isa silang magkakapatid ang nagbigay ng kanilang mensahe at marami sa kanila ang naging emosyonal. Marami naman ang naantig sa pagiging sweet ni Ion at ng kanyang mga kapatid sa kanilang ina.

Ang karelasyon ni Ion na si Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Read also

Megan at Mikael, nilihim muna ang kasalan; "Nalaman nila, kasal na kami"

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel