PBB Roque, harapang binigyan ng 2 points si Isabel dahil mayaman naman daw ito

PBB Roque, harapang binigyan ng 2 points si Isabel dahil mayaman naman daw ito

- Harapan ang naganap sa 4th nomination night ng Pinoy Big Brother Kumunity Adult edition

- Naging kontrobersyal muli ang rason ni Roque sa pagbibigay niya ng rason sa pagnomina sa kanyang housemate

- Dalawang puntos ang ibinigay niya kay Isabel gayung siya naman daw ay mayaman at kayang maisalba ng mga sumusuporta sa kanya

- Noong nakaraang nominasyon, nag-viral din ang kanyang rason sa pagbibigay ng puntos sa sa kanyang housemate dahil lamang sa pag-utot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa 4th nomination night ng Pinoy Big Brother Kumunity Adult Edition Season 10, harapang nagbigay ng rason ang mga housemates kung bakit nila bibigyan ng puntos ang ilang mga kasama.

Nalaman ng KAMI na muling naging kontrobersyal agad ang rason na ibinigay ni Roque Coting sa pagbibigay niya ng puntos kay Isabel Laohoo.

Read also

Amy Perez, emosyonal na pinasalamatan si Ion Perez sa pagmamahal nito kay Vice Ganda

PBB Roque, harapang binigyan ng 2 points si Isabel dahil mayaman naman daw ito
Adult housemates na sina Isabel at Roque (Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Tahasan niyang nasabi nang harapan na mayaman naman umano si Isabel na kayang iligtas ng mga sumusuporta sa kanya sa labas.

"Binibigyan ko po ng 2 points si Isabel dahil alam kong kaya naman siya iligtas. At mayaman naman din po siya," ani Roque bago isabit ang dalawang puntos kay Isabel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noong nakaraang linggo, naging kontrobersyal din ang rason niya ng pagbibigay ng two points kay Jaye at one point kay Laziz dahil lamang umano sa pag-utot ng mga ito na kawalang respeto raw umano sa kanilang mga housemates.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa nominasyon na mapapanood sa Kapamilya Online Live:

Si Isabel Laohoo ay isa sa sampung adult housemates na bahagi ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10. Samantala si Roque Coting ay bahagi ng ikalawang grupo na pumasok sa Bahay ni Kuya bilang adult housemate.

Read also

Dawn Chang, naghihintay din daw ng pruweba mula kay Cristy Fermin

Bago sila pumasok sa bahay ni Kuya, tinanghal namang top 2 ng celebrity edition sina Anji Salvacion at ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez.

Sina Anji at Alyssa ay mula sa Final 5 ng PBB celebrity edition kung saan nakasama nila sa mga huling araw sa loob ng bahay ni Kuya sina Samantha Bernardo, Madam Inutz at Brenda Mage.

Kamakailan din ay gumawa ng ingay ang pamamaalam ni Toni Gonzaga bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica