Ryzza Mae Dizon, pinakita ang kanyang pinapagawang bagong bahay

Ryzza Mae Dizon, pinakita ang kanyang pinapagawang bagong bahay

- Masayang ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon ang updates sa kanyang pinapagawang bagong bahay nila ng kanyang pamilya

- Kaya umano matagal siyang hindi nakapag-vlog ay dahil naging abala sila sa kanilang pinapagawang bahay

- Kahit hindi pa tapos ang kanilang bahay ay doon na sila tumira upang mas makatipid umano sa gastusin kagaya na lamang sa bayarin sa renta ng bahay

- Isa-isa niyang ibinahagi ang mga updates sa bawat bahagi ng kanilang bahay na hanggang ikalawang palapag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon ang updates sa kanyang pinapagawang bahay. Kahit hindi pa tapos ang kanilang bahay ay doon na sila tumira upang mas makatipid umano sa gastusin kagaya na lamang sa bayarin sa renta ng bahay.

Ryzza Mae Dizon, pinakita ang kanyang pinapagawang bagong bahay
Ryzza Mae Dizon (@ryzzamaedizon_)
Source: Instagram

Isa-isa niyang ibinahagi ang mga updates sa bawat bahagi ng kanilang bahay na hanggang ikalawang palapag.

Read also

Donita Nose, naglipat na ng gamit sa bagong bahay na titirhan nya

Marami naman sa mga netizens ang masaya at na-inspire kay Ryzza na sa murang edad ay nakatulong na sa kanyang pamilya upang magkaroon ng sariling bahay.

Galing mo Ryzza you know what's going on sa upcoming house nyo keep safe while you're vlogging.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hi Ryzz, natutuwa ako s pag update mo s house project s Pamp..ang laki na ng improvement finishing na lng 'yan at ok na! Next nmn house blessings cguro, happy ako para sayo at sayong fam..God bless & stay safe always
Ryzza is an amazing child. Kahit nasa edad pa na inosente noon pero malalim na ang mga prinsipio nya sa buhay. Bibihira ang kagaya nya. Nandun yung nilalait sya pero marunong sumagot sa mabuting salita. She’s sooo smart! Hindi nya pinalampas yung magagandang oportunidad na binigay ng Eat Bulaga management. Pinakita nya sa ating lahat ang nakakamanghang talento at sipag nya at sya ay tuloy tuloy na nagwagi.

Read also

Trina Candaza, hiling na huwag nang i-tag sa post ni Carlo Aquino

Si Ryzza Mae de Guzman Dizon isang Pinay teen actress na sumikat noong taong 2012 matapos siyang tanghaling panalo sa Little Miss Philippines sa noontime show na Eat Bulaga! Siya ay nabigyan ng sarili niyang talk show matapos ang kanyang pagkapanalo, ang "The Ryzza Mae Show".

Matapos nga ang pandemya, bilang isang menor de edad, naapektuhan ang trabaho para kay Ryzza. Gayunpaman, sa pamamagitan ng social media ay updated ang kanyang mga tagasuporta sa pangyayari sa kanyang buhay.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang video ni Ruzza nang maiyak ito habang nanonood ng Hello Love, Goodbye.

Ibinahagi niya rin ang isang house tour para ipakita sa kanyang mga tagasuporta ang kanyang naipundar.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel