Trina Candaza, hiling na huwag nang i-tag sa post ni Carlo Aquino

Trina Candaza, hiling na huwag nang i-tag sa post ni Carlo Aquino

- Sa Facebook post ni Carlo Aquino, isang netizen ang nag-mention ng pangalan ni Trina Candaza sa comment section

- Sumagot naman si trina na sana daw ay huwag na siyang i-tag para umano mabilis makausad

- Walang diretsahang pahayag ang dalawa kung totoo ang balitang hiwalay na sila

- Gayunpaman, lumabas ang espikulasyon tungkol dito matapos ang mga makahulugang social media posts ni Trina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang Facebook post ni Carlo Aquino, may ilang mga netizens na nag-tag kay Trina Candaza sa comment section. Isa sa mga ito ay sinagot ni Trina at humiling na sana daw ay huwag na siyang i-tag para mabilis daw makausad.

Trina Candaza, hiling na huwag nang i-tag sa post ni Carlo Aquino
Carlo Aquino at Trina Candaza (@trinacandaza)
Source: Instagram

Kapansin-pansin sa kanilang mga social media posts na hindi na sila magkasama hindi kagaya noon na palagi silang may post na magkasama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Pag-akyat ni Vice Ganda sa hagdanan sa labas ng studio, umani ng mga reaksiyon

Sa isang YouTube vlog episode ni Trina, marami din ang nakapansin na dalawa lang sila ng kanyang anak sa kanyang paglipat ng tirahan. Tumira silang mag-ina sa isang condominium unit.

Walang diretsahang pahayag ang dalawa kung totoo ang balitang hiwalay na sila. Gayunpaman, lumabas ang espikulasyon tungkol dito matapos ang mga makahulugang social media posts ni Trina.

Wala ding nilalabas na pahayag ang aktor ngunit kapansin-pansin ang kanyang mga hugot song covers sa kanyang TikTok account.

Ang karelasyon ni Trina na si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Matapos ang muling tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, napabalita ang tungkol sa namuong pagtitinginan nila ni Trina Candaza hanggang sa tuluyan na nilang inamin ang kanilang relasyon. Ibinahagi din nila sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis ni Trina noon.

Samantala, matapos ang pagsikat ng Korean series na Squid Game, ibinahagi ni Carlo na kabilang sana siya sa cast ng naturang serye. Ibinahagi niya ang natanggap na sorpresa mula sa Netflix kasunod ng kanyang rebelasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel