Madam Inutz, sinabing si Piolo Pascual ang kapiling sa Valentine's Day; "Owww Jiiiieva!"

Madam Inutz, sinabing si Piolo Pascual ang kapiling sa Valentine's Day; "Owww Jiiiieva!"

- Ibinahagi ni Madam Inutz ang picture niya kung saan ka-holding hands niya si Piolo Pascual

- Makulit nitong sinabi na si Piolo ang kasama niya sa Valentine's Day

- Ito ay dahil nasa lock-in taping sila ng bago nilang sitcom na "My Papa Pi" na ipalalabas umano sa Marso 5

- Matapos ang Pinoy Big Brother Kumunity celebrity edition, sunod-sunod na ang naging proyekto ni Madam Inutz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinagiliwan ng marami ang bagong post ni Madam Inutz kung saan naka-holding hands naman niya si Piolo Pascual.

Nalaman ng KAMI Na makulit nitong inanunsyo na si Piolo raw umano ang kasama niya sa Valentine's Day.

Madam Inutz, sinabing si Piolo Pascual ang kapiling sa Valentine's Day; "Owww Jiiiieva!"
Madam Inutz kasama ang manager niyang si Wilbert Tolentino (Photo from Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Ito ay dahil sa kasama niya ito sa lock-in taping nila ng 'My Papa Pi.'

"MGA INUTZ OOOOH‼️‼️ OWWW JIIIIIEVA⁉️ CYA ANG KAPILING KO SA VALENTINES DAY DTO SA TAPING"

Read also

Ogie Diaz, sinabing maaring maging talent si Toni Gonzaga ng AMBS na pagmamay-ari ng mga Villar

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbiro pa itong baka isang araw ay maging 'Daisy Pascual na siya.

"HUWAG KAYO MAGTAKA KUNG ISANG ARAW MAGING DAISY PASCUAL NA AKO AH"

Inanunsyo rin niyang sa Marso 5 na ipalalabas ang kanilang sitcom na mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya online live, iWant TFC, TFC at A2Z.

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition kung saan pasok siya sa Final 5.

Read also

Video na kuha sa "Pink Sunday" grand rally sa Quezon Memorial Circle, viral

Nang makalabas sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Masaya ring naibalita ni Madam Inutz na nanalo rin siya bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer ng Gawad Amerika.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel