Ellen Adarna, nagpaliwanag kung bakit di na siya pwedeng maging "pakawala"

Ellen Adarna, nagpaliwanag kung bakit di na siya pwedeng maging "pakawala"

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Ellen Adarna ang video ng kanilang family outing sa pag-celebrate nila ng anniversary nila ni Derek Ramsay bilang magkarelasyon

- Isang netizen ang nakapansin sa pagkakaiba ng mga post ni Ellen noon kung ikukumpara sa kasalukuyan

- Sinagot naman ito ni Ellen at nilinaw kung bakit hindi na "puro inuman at lasing" ang kanyang mga social media post

- Ani Ellen, may anak na siya kaya hindi na siya pwedeng maging pakawala hindi kagaya noon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi ikinaila ni Ellen Adarna na dati ay pakawala siya. Aniya, sa kasalukluyan ay may anak na siya kaya hindi na pwedeng kagaya noon ay lagi siyang nasa inuman at nalalasing.

Ellen Adarna, nagpaliwanag kung bakit di na siya pwedeng "pakawala"
Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Ellen Adarna ang video ng kanilang family outing sa pag-celebrate nila ng anniversary nila ni Derek Ramsay bilang magkarelasyon. Isang netizen ang nakapansin sa pagkakaiba ng mga post ni Ellen noon kung ikukumpara sa kasalukuyan.

Read also

Alodia Gosiengfiao, nakatanggap ng malaking bouquet ng bulaklak

“Ang gaganda ng nakikitang post ni elena di gaya dati ns inuman at lasing...”

Sinagot naman ito ni Ellen at nilinaw kung bakit hindi na "puro inuman at lasing" ang kanyang mga social media post. Ani Ellen, may anak na siya kaya hindi na siya pwedeng maging pakawala hindi kagaya noon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“I have a son now dai, di na pwedeng pakawala… before, I had all the right to live my life to the fullest. Life is good.”
Ellen Adarna, nagpaliwanag kung bakit di na siya pwedeng maging "pakawala"
Screenshot from Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao.

Read also

Regine Velasquez, nagbiro tungkol sa aniya'y pagiging "Marites" niya

Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Pagmamay-ari rin ng kanilang pamilya ang isang templo na nasa Cebu na itinayo bilang parangal sa kanyang yumaong lola.

Matapos ang paghihiwalay nila ng ama ng kanyang anak, naging karelasyon ni Ellen si Derek Ramsay at kinalaunan ay kinasal sila. Kamakailan ay umani ng komento at mga reaksiyon ang picture nila Derek at Ellen na natutulog. Buong pagmamalaki ding sinabi ni Derek na talagang maswerte siya sa kanyang maybahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel