Regine Velasquez, nagbiro tungkol sa aniya'y pagiging "Marites" niya

Regine Velasquez, nagbiro tungkol sa aniya'y pagiging "Marites" niya

- Kinaaliwan ang Instagram post ni Regine Velasquez kung saan nagbiro siya sa aniya'y kanyang pagiging Marites

- Ibinahagi nito ang picture nila ng aktor na si Kyle Echarri na isa sa pinaka-pinag-uusapan sa kasalukuyan

- Matatandaang naging viral ang Instagram post ni Kyle kung saan kasama niya sina Andrea Brillantes at Darren Espanto kamakailan

- Sinakyan naman ni Kyle ang hirit na ito ni Regine at sinabing "to be continued" na lang daw ang kanilang pag-uusap

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Regine Velasquez ang picture nila ng isa sa kontrobersiyal na aktor sa kasalukuyan, si Kyle Echarri. Aniya, hindi niya naitago ang kanyang pagiging Marites.

Regine Velasquez, nagbiro tungkol sa aniya'y pagiging "Marites" niya
Photo from Regine Velasquez (@reginevalcasid)
Source: Instagram

Matatandaang naging viral ang Instagram post ni Kyle kung saan kasama niya sina Andrea Brillantes at Darren Espanto kamakailan. Kaagad namang binura ni Kyle ang kanyang IG story na lalong ikina-intriga ng mga netizens.

Nilinaw naman ng management ni Andrea na kuha ang picture na iyon pagkatapos nilang mag-shoot ng isang vlog at hindi lamang silang tatlo ang naroroon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinakyan naman ni Kyle ang hirit na ito ni Regine at sinabing "to be continued" na lang daw ang kanilang pag-uusap.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

Sa lahat ng Marites Ikaw po talaga ang peyborit ko, for all generation ang aksyon
Araw araw ka nang may pa ayuda mamsh HAHAAHAHAHA aylavettt!!! Love you
Eto lang yung marites na pakikinggan ko yung sinasabi. hahaha! ung saakin sya magchismis, kahit maghapon Pa kami .

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Kamakailan, kinaaliwan din ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel