Kiray Celis, may hugot sa pagkakaibigan: "Doon tayo sa mga kaibigan na hindi tayo kinukumpetensya"

Kiray Celis, may hugot sa pagkakaibigan: "Doon tayo sa mga kaibigan na hindi tayo kinukumpetensya"

- Inihayag ni Kiray Celis ang kanyang saloobin tungkol sa pagpili ng mga taong kakaibiganin

- Sa kanyang post sa Threads ay sinabi niyang doon siya sa kaibigang hindi siya kinukumpetensiya

- Ito daw yung mga kaibigang hindi kalaban ang tingin sa kanya at totoong masaya at susuporta

- Marami naman ang sumang-ayon sa kanyang sa hugot niyang ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi ng malalim na hugot si Kiray Celis tungkol sa pagpili ng kaibigan. Sa kanyang post sa Threads ay sinabi niyang doon siya sa kaibigang hindi siya kinukumpetensiya.

Kiray Celis, may hugot sa pagkakaibigan: "Doon tayo sa mga kaibigan na hindi tayo kinukumpetensya"
Kiray Celis, may hugot sa pagkakaibigan: "Doon tayo sa mga kaibigan na hindi tayo kinukumpetensya"(@kiraycelis)
Source: Instagram

Aniya ang mga kaibigang hindi kalaban ang tingin at totoong masaya at susuporta kapag umaangat ka ang dapat na kinakaibigan.

Doon tayo sa mga kaibigan na hindi tayo kinukumpetensya. Yung hindi kalaban yung tingin sayo. Yung kapag umangat ka, totoong masaya at susuporta sayo.

Read also

Vice Ganda kay Aga Muhlach: "Si Atasha nasa Eat Bulaga, i-Showtime na natin to si Andres"

Kiray Celis, may hugot sa pagkakaibigan: "Doon tayo sa mga kaibigan na hindi tayo kinukumpetensya"
Kiray Celis, may hugot sa pagkakaibigan: "Doon tayo sa mga kaibigan na hindi tayo kinukumpetensya"
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang aktres at komedyanteng si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay sumikat sa industriya ng showbiz nang manalo siya patimpalak na Muntíng Miss U sa noontime show na MTB. Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Matatandaang binahagi ni Kiray sa kanyang Facebook page ang kanyang sintimeyento kaugnay sa reyalidad sa mundo ng showbiz. Aniya, sana ay intindihin din ng publiko na minsan may mga dinadalang suliranin ang mga artista na hindi nila alam. Kasunod ito ng kanyang pahayag kaugnay sa umano'y pag-request kay Jovit Baldivino na kumanta ito sa kabila ng pagbabawal ng doktor. Ito ang huling performance ni Jovit bago siya nanghina at isinugod sa ospital kung saan na-comatose siya ng ilang araw hanggang tuluyan nang bumigay ang kanyang katawan.

Read also

Rosmar, 'di ganon kalakas ang Php5 million na kita a day: "Pumapalo po ng Php13M"

Samatala, kamakailan ay ibinida ni Kiray ang papuri sa kanya ni Marian Rivera sa kanyang picture sa social media. Sa kanyang post ay naka-tag si Senyora na pabiro niya pang tinawag na Pulgoso at aniya ay huwag na itong lumaban. Sagot naman ni Senyora, talaga raw palang mahilig sa aso si Marian at binahagi pa ang picture ni Marian noong gumanap siyang bilang si Marimar at kasama ang aso nito. Hindi na ito bago sa kanilang dalawa dahil kadalasan ay kinaaliwan ng netizens ang kanilang birong bangayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel