Rita Avila, nakausap na si Boy Abunda; "Out of decency, I reached out to him"
- Nakausap na ni Rita Avila si Boy Abunda kaugnay sa naging pahayag niya sa panayam nito kay Vice President Leni Robredo
- Naglabas ng saloobin si Avila sa mga napansin niya umano sa naturang interview ni Abunda sa Bise Presidente
- Nagkasundo naman silang mananatiling magkaibigan at hindi mawawala ang respeto sa isa't isa
- Matatandang si VP Leni ang ikatlong presidentiable na nakapanayam ni Boy abunda sa kanyang Youtube channel
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Inihayag ng aktres na si Rita Avila na nagkausap na umano sila ni Asia's King of Talk na si Boy Abunda.
Nalaman ng KAMI na ito ay matapos ang naging komento ni Avila sa panayam ni Abunda kay Vice President Leni Robredo na tumatakbo bilang Pangulo sa Halalan 2022.
"Out of decency, I reached out to him and he called to return the respect," pahayag ni Avila sa kanyang Facebook post.
Aniya, matagal na silang magkaibigan ni Abunda ay nagkasundo naman silang panatilihin ang magandang samahan dala na rin ng pagpapanatili nila ng respeto sa isa't isa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"For the longest time, Boy and I have been friends though we do not see each other often,"
"We are both outspoken and honest, yet, we can still respect each other even if we say dissenting comments or otherwise about relevant issues,"
"In his appreciation for my trust, we promised to remain as good friends in this kind of world."
Narito ang kabuuan ng naturang post:
Si Rita Avila ay isa sa mga kilalang aktres sa bansa. Isa siya sa mga hayagang nagpapakita ng kanyang suporta kay Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito bilang Presidente sa paparating na eleksyon.
Ikatlo si VP Leni Robredo sa mga sumalang sa 'The 2022 Presidential One-On-One Interviews' ni Boy Abunda na nagsimulang umere noong Enero 24.
Unang nakapanayam ni Abunda si Senator Panfilo "Ping" Lacson kung saan nasabi nitong siya ang 'most qualified, most competent at most experienced' sa lahat ng mga kumakandidato sa pagka-presidente sa darating na Halalan 2022.
Sinundan naman ito ng naging kontrobersyal na panayam ni Abunda kay dating senador Bongbong Marcos.
Matatandaang 'di nagpaunlak si Marcos sa imbitasyon ni Jessica Soho ngunit sumipot sa interview sa kanya ni Abunda.
At ang ikatlong naisa-ere ay ang interview kay bise president Leni Robredo kung saan naging usap-usapan ang sagot nito kung bakit hindi dapat na iboto ang katunggaling si Marcos. "Sinungaling" umano ito at hindi sumisipot sa oras ng kagipitan.
Source: KAMI.com.gh