Madam Inutz, natanong kung may camera sa CR ng PBB house; "Ay, meron!"

Madam Inutz, natanong kung may camera sa CR ng PBB house; "Ay, meron!"

- Naikwento ni Madam Inutz ang tungkol sa camera sa CR ng PBB house

- Aminadong sa umpisa ay nangamba silang mga housemates lalo na pagdating sa paliligo

- Sinabihan naman sila ni Kuya na huwag mag-alala dahil hindi naman inilalabas ang kung anumang makunan ng camera

- Kalaunan, nasanay na rin daw sila mapa-babae man o mapa-lalaking housemate

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa panayam sa kanya ni Mama Loi, naikwento ni Madam Inutz ang ilan sa mga kaganapan sa loob ng bahay ni Kuya bilang siya ay isa sa mga naging celebrity housemates ng PBB Kumunity Season 10.

Nalaman ng KAMI na kinumpirma ni Madam Inutz ang pagkakaroon ng camera sa loob ng CR ng PBB house.

Maging si Mama Loi kasi ay tila na-curious kung paano umano nagsi-CR ang mga housemates ni Big Brother.

Read also

Donekla in Tandem, nag-post na hiwalay na sila; "Maraming salamat sa suporta mga katandem"

Madam Inutz, ibinisto ang CCTV sa CR ng PBB; "Sabi naman ni kuya 'wag kaming mag-alala"
Madam Inutz (Photo from Daisy Lopez)
Source: Facebook

"Ay meron! May camera sa CR," agad na sagot ni Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Pero sinabi ni Kuya na hindi naman nila nilalabas 'yun" paliwanag ni Madam Inutz.

Gayunpaman, aminado siyang naiilang na gumamit ng palikuran noong una dahil sa camera na naroon.

"Una, yung mga housemates na naliligo doon, naka-swimsuit. Kahit ako noong una naka-t-shirt ako... Pero noong tumagal na, hinayaan ko na. Nagbigay naman sila ng assurance na hindi naman magkakaroon ng iskandalo dito."

Matatandaang si Madam Inutz ay isa sa Final 5 ng Pinoy Big Brother celebrity edition na natapos bago ang 2022.

Samantala, sina Anji Salvacion naman at Alyssa Valdez ang hinirang na Top 2 ng nasabing edisyon.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Mama Loi:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Read also

Wilbert Tolentino, inanunsyong 'ka-freshness' na rin si Herlene 'Hipon Girl' Budol

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Nang makalabas sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Isa na rito ang recording ng bago niyang awitin na may pamagat na "Marites."

Nanalo rin siya bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer ng Gawad Amerika.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel