Wilbert Tolentino, inanunsyong 'ka-freshness' na rin si Herlene 'Hipon Girl' Budol

Wilbert Tolentino, inanunsyong 'ka-freshness' na rin si Herlene 'Hipon Girl' Budol

- Sa kanilang reunion nina Madam Inutz, inanunsyo ni Wilbert Tolentino na isa na ring 'ka-freshness' si Herlene 'Hipon Girl' Budol

- Ibinahagi rin niya na si Zeinab Harake ang nagpakilala umano kay Hipon Girl kay Wilbert

- Masaya naman si Wilbert na magiging 'kapatid' na ni Madam Inutz si Hipon Girl lalo na at nakapag-bonding na sila sa kanyang YouTube channel

- Naghahanp din siya ng ka-trio nina Madam Inutz at Hipon Girl na tiyak na pakaaabangan ng marami

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inanunsyo na ni Wilbert Tolentino na karagdagan sa kanyang 'Ka-freshness' family si Herlene 'Hipon Girl' Budol.

Nalaman ng KAMI na sa reunion nina Madam Inutz, Hipon Girl at kanilang 'Sir Wilbert' kinumpirma nila ang magandang balita.

Wilbert Tolentino, inanunsyong 'ka-freshness' na rin si Herlene 'Hipon Girl' Budol
Photo: Wilbert Tolentino
Source: Facebook

Naikwento rin ni Wilbert na ang kilalang vlogger na kanyang malapit na kaibigang si Zeinab Harake ang naging daan para makilala niya si Hipon Girl.

Read also

Karen Davila, nagulat nang sumagot si Francine Diaz na "NBSB" raw siya

Masaya rin naman si Herlene dahil hindi siya nabigo sa kanyang sir Wil na alam niyang aalagaan siya nang husto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbiro pa nga ito na baka siya na ang susunod nitong ipapasok sa Pinoy Bir Brother house.

"Malay mo ikaw naman ang ipapasok ko sa PBB next year ta's ako na naman ang i-evict ng mga tao," ani Wilbert.

Matatandaang, maraming hinarap na komento si Sir Wilbert sa mga netizens dahil sa todo-todo niyang suporta kay Madam Inutz sa PBB.

Nagbunga naman ang kanilang pahihirap at sakripisyo gayung pasok sa Top 5 ang kanyang alaga.

Samantala, narito ang kabuuan ng kanilang makulit na pagsasama-samang muli:

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Read also

Yeng Constantino, nagpasalamat kay Ryan Bang sa pagpaparamdam sa kanya na special siya

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Naging maingay ang pangalan ni Wilbert sa social media noong nakaraang taon dahil sa makailang beses niyang pagsalba at pagbibigay ng todo suporta sa kanyang alaga na si Madam Inutz na isa sa mga celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Isa si Madam Inutz sa mga pinalad na mapabilang sa Final 5 kung saan hinirang ang top 2 sa kanila na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel