Leni Robredo, matapang na sinagot bakit 'di dapat iboto si BBM: "Number 1, sinungaling"
- Mabilis na nag-trending ang naging sagot ni Vice President Leni Robredo sa political fast talk sa kanya ni Boy Abunda
- Sa kanilang tatlo nina Senator Ping Lacson, dating senador Bongbong Marcos, tanging si Leni umano ang nagbigay ng isa-isang sagot kung bakit 'di dapat iboto ang mga katunggali
- Naging usap-usapan agad ang sagot nitong "sinungaling" umano si Marcos kaya't hindi dapat na iboto para sa kanya
- Matatandaang naitanong naman sa kanya ni Jessica Soho kung sino ang kanyang ibobotong Pangulo sakaling hindi siya kandidato at ito ay si Senator Manny Pacquiao
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Usap-usapan agad sa social media ang matapang na sagot ni Vice President Leni Robredo sa political fast talk sa kanya ni Boy Abunda.
Nalaman ng KAMI na unang naitanong kay VP Leni kung bakit hindi dapat na iboto si dating Senator Bongbong Marcos.
Diretsahan at walang preno niyang sinabi na 'sinungaling' umano ito.
"Number 1, sinungaling. Pangalawa, in the difficult moments, hindi siya nagpapakita," paliwanag pa ng bise presidente.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa tatlong mga presidential aspirants na naisa-ere na ni Abunda ang interview, tanging si VP Leni ang naglaan ng isa-isang sagot para sa apat na mga makakatunggali niya sa Halalan 2022.
Matatandaang sa tanong naman sa kanya ni Jessica Soho kung sakaling hindi siya kumakandidato, sino ang kanyang ibobotong presidente, si Senator Manny Pacquiao ang kanyang pipiliing mamuno sa bansa.
Narito ang kabuuan ng The 2022 Presidential One-On-One Interviews ni Boy Abunda kasama si Robredo:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.
Oktubre 7 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Ilan sa mga makakatunggali niya at mahigpit niyang makakatunggali sa pagka-pangulo ay ang apat na nakapanayam ni Jessica Soho sa 'Presidential Interviews' noong Enero 22.
Samantala, naging kontrobersyal naman ang naturang interview na ito ni Soho gayung hindi ito pinaunlakan ng isa sa kanyang naimbita na si dating senator Bongbong Marcos.
Source: KAMI.com.gh