Mura, umiiyak na nagbigay ng reaksyon sa video ni Virgelyn para sa kanya

Mura, umiiyak na nagbigay ng reaksyon sa video ni Virgelyn para sa kanya

- Umiiyak na humarap sa kanyang vlog si Mura sa pagbibigay niya ng reaksyon sa pahayag ng vlogger na si Virgelyn sa kanya

- Muli siyang humingi ng sorry sa umano'y mga nasabi niya sa vlogger na nakapansin at nagbigay tulong sa kanya

- Maging sa mga fans at supporters ni Virgelyn ay muli siyang humingi ng tawad gayung tila 'nakalimot' daw siya sa kanyang mga nasabi

- Tulad ng nasabi ni Virgelyn sa pahayag niya kay Mura, nais din ng dating komedyante na makita at makausap muli ang vlogger na nami-miss na raw niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi na napigilan ni Mura na maiyak sa kanyang vlog sa pagbibigay niya ng bagong pahayag sa kanyang 'Mama Virgelyn.'

Nalaman ng KAMI na nag-viral at talagang naging usap-usapan kasi ang mga nabitawang salita ni Mura tungkol sa vlogger na si Virgelyn tulad na lamang ng pagiging 'quits' nila at natulungan naman daw niya itong mapataas ang views at maparami ang subscribers.

Read also

Vlogger na si Virgelyn, naglabas ng saloobin sa kontrobersyal na pahayag sa kanya ni Mura

Mura, umiiyak na nagbigay ng reaksyon sa video ni Virgelyn para sa kanya
Mura (Photo from Mahalmura Padua)
Source: Facebook

Bagay na inalmahan ng mga supporters ni Virgelyn gayung pumalo na noon ng mahigit isang milyon ang subscribers ng vlogger bago pa man nito makailang beses na madalaw at matulungan si Mura.

Sa bago niyang vlog, sinabi ni Mura na napanood na umano niya ang video ng mensahe sa kanya ni Virgelyn.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Muling humingi ng tawad si Mura hindi lang sa vlogger kundi maging sa mga supporters at subscribers nito.

Aminado siyang tila nakalimot sa kanyang mga nabitawang salita na labis niyang pinagsisishan.

Makailang ulit niya muling nabanggit na ang mga katagang "Pasensya na po talaga" gayung nami-miss na rin daw niya at nais niyang muling makasama ang kanyang mama Virgelyn.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Mura na MahalMura Padua:

Si Allan Padua o mas kilala bilang si "Mura" ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan, isang noontime show sa ABS-CBN. Mas nakilala siya nang gawin siyang kakambal ni Mahal Tesorero. Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura.

Read also

Mura, nag-sorry na sa vlogger na si Virgelyn; "Sana magkita ulit tayo Mama Virgelyn"

Ilang linggo bago pumanaw ang kaibigang si Mahal ay nabisita pa siya nito sa Bicol para personal na kumustahin at bigyan ng tulong. Ito ay matapos na maibahagi ng vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si "Mama Virgelyn" ng Virgelyncares 2.0 ang sitwasyon ni Mura sa Bicol. Sa ngayon, isa na ring vlogger si Mura.

Naging kontrobersyal kamakailan ang naging pahayag ni Mura sa kanyang Mama Virgelyn kung saan tahasang nasabi nito na hindi naman tataas ang views at subscribers nito kung hindi ito pumunta sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel