Vlogger na si Virgelyn, naglabas ng saloobin sa kontrobersyal na pahayag sa kanya ni Mura
- Naglabas na rin ng saloobin ang vlogger na si Virgelyn ng Virgelyncares 2.0 patungkol sa kontrobersyal na pahayag sa kanya ni Mura
- Sa Facebook live kasi ng dating komedyante, nabanggit nito na tila patas lang umano sila ni Virgelyn na natulungan siya at natulungan din niya sa pagkakaroon ng maraming subscribers
- Humingi naman ng paumanhin si Virgelyn sa hindi niya pagre-reply agad kay Mura na nabanggit din nito sa kanyang live
- Gayunpaman, hiling niyang magkita at magka-bonding pa rin silang dalawa na siyang hiling din ni Mura sa kanyang bagong labas na video
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naglabas na ng pahayag ang vlogger na si Virgelyn ng Virgelyncares 2.0 YouTube channel kaugnay sa mga maiinit na pahayag na nasabi sa kanya ni Mura.
Nalaman ng KAMI na naging usap-usapan kamakailan ang Facebook live ni Mura dahil sa nasabi nito kay Virgelyn na natulungan din naman niya.
Ayon kay Mura, natural lang daw na tulungan siya ni Virgelyn dahil isa raw itong vlogger.
Malaki man daw ang naitulong nito sa kanya, malaki rin naman ang naitulong niya rito lalo na sa pagpaparami nito ng views at subscribers.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Kaya walang sisihan kung anuman ang ilalabas ko sa aking bibig mga ka-legit,"
"Kung natulungan ako ni Virgelyn, natulungan ko rin siya. So parehas lang. Wala na po kaming pakialaman ngayon," ang bahagi ng mga nasabi ni Mura sa kanyang live video na ikinagulat ng marami.
Dahil dito, agad naman itong sinagot ni Virgelyn sa kanya namang vlog na may pamagat na "Mura para sa'yo ito."
"Kumusta ka Mura? Sana 'yung pagtatanim mo ng mani at kung gaano mo pinausbong yung mga mani mo diyan sa bukirin, ganoon mo rin sana pausbungin ang pagtatanim ng utang na loob," panimula ni Virgelyn.
"Hindi ko sinasabing pasalamatan mo ako, hindi ko rin hinihingi kaninoman na tinutulungan ko. Ang akin lang, kahit sa iba mo nalang gawin 'yun."
"Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa 'yun, nasabi. Siguro dahil live lang. Minsan kasi pag-live kasi tayo, lumilipad kasi yung isip natin"
Binigyang linaw din ni Virgelyn na bago pa man umano niya tinulungan si Mura ay marami na ring sumusuporta at nagka-subscribe sa kanyang channel. Ito ay sa dami na rin niya umanong natulungan na mabago ang buhay.
"Bago kita nai-vlog, marami na akong napa-viral na video. magmula doon sa anak-araw, kay Alexander, kay Jenny, kay Klara at yung nanay na gumagapang sa tubuhan... marami na akong napa-viral. Kung titingnan mo milyon-milyon react yun"
"Bawas-bawasan natin Mura 'yung pagmamataas. Ni minsan, hindi ako nanumbat ng mga tinulungan kong tao."
"Hindi ko lang matanggap yung sinabi mong quits tayo. Ni minsan hindi kita sinumbatan"
Humingi rin si Virgelyn ng paumanhin kay Mura sa hindi niya pagre-reply sa mga text nito na maaring naging sanhi ng mga naibulalas nito sa kanyang live.
Gayunpaman, hiling ni Virgelyn na magkita silang muli ni Mura at makapag-bonding.
Narito ang kabuuan ng video:
Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang YouTube content creator sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa.
Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan. Umabot na sa 1.35 million ang kanyang mga subscribers.
Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.
Dahil din dito, napuntahan ito ng kanyang kaibigan at partner sa mga palabas sa telebisyon na si "Mahal" ilang linggo bago ito pumanaw nitong Agosto 31.
Kamakailan, napaluha ang marami sa ginawa ni Virgelyn kung saan hinakot, pinakain at binigyan pag-asa niya ang mga nakikitang homeless, parking attendant at mga nawalan ng trabaho.
Source: KAMI.com.gh