Video ng pagsuporta ni Jam Magno kay Robin Padilla, viral
- Usap-usapan ngayon ang video ni Jam Magno kung saan inihayag niya ang pagsuporta kay Robin Padilla
- Aniya, kumpiyansa siya sa aktor sa pagtakbo nito sa pagiging senador lalo nang makita umano niya ang plataporma nito
- Nakita niya ang pagtulong nito sa mga Pinoy na nasalanta ng Bagyong Odette at mas busy pa umano ito kumpara sa mga nakaupo nang senador
- Hangad niyang manalo si Robin sa pagka-senador at nais din niya itong makilala nang personal
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Mabilis na nag-viral ang video ng social media personality na si Jam Magno patungkol sa pagsuporta umano niya kay Robin Padilla.
Nalaman ng KAMI na kumpiyansa umano si Jam sa pagtakbo ni Robin sa senado gayung nakita niya kung gaano ito ka-busy sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.
Matindi rin ang naging patutsada umano ni Jam patungkol sa mga ibang mga katunggali ni Robin sa pagka-senador maging mismo kay Bise Presidente Leni Robredo na tumatakbo naman sa pagka-Pangulo ng bansa.
"You don’t have to agree with me but Robin Padilla is a way better bet than those in Leni’s roster- even better than Leni herself"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa tindi umano ng pagtulong ni Robin, napansin ni Jam na maging ang Pasko at Bagong Taon ay isinakripisyo nito na makasama ang pamilya para lang tuloy-tuloy ang pagtulong sa mga hindi pa natin nakakabangong mga kababayan dahil kay 'Odette'.
Dagdag pa ni Jam, madali umanong maunawaan ang plataporma ni Robin na noon pa ma'y nagagawa na talaga nito.
"His platform is easy to understand and he has walked his talk for years. And unbeknownst to many I actually heard that he’s one smart guy too. So again to the people making fun of him. Shame on you and your bets who think the Philippines only has 1,700 islands"
Suportado rin daw niya ang pagnanais ni Robin na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao at si Robin ang magiging boses ng mga kapatid na Muslim sa senado.
Hangad talaga ni Magno na manalo si Robin at nais din niyang makilala ito ng personal.
Si Jam Magno ay nakilala sa kanyang TikTok videos kung saan kadalasan ay pinagtatanggol niya ang pamahalaan laban sa mga kritiko. Kabilang sa kanyang mga binatikos ay si Ogie Diaz, Liza Soberano at kamakailan nga ay si Rabiya Mateo.
Bago pa ang pagkakasuspinde ng Twitter account na nakapangalan sa kanya, na-ban na rin ang kanyang TikTok account kasunod ng pangbabatikos na kanyang tinamo mula sa tagasuporta ng beauty queen na si Rabiya.
Gayunpaman, sinabi niyang hindi ito malaking bagay para sa kanya dahil dati na rin daw na ban ang kanyang TikTok account at nakabalik din daw siya.
Source: KAMI.com.gh