Allan K, nanawagan sa kanyang ex-GF tungkol 'di umano sa kanilang anak

Allan K, nanawagan sa kanyang ex-GF tungkol 'di umano sa kanilang anak

- Nagulat ang mga dabarkads sa rebelasyon ni Allan K na nagkaroon pala siya ng girlfriend

- Lalo pa silang nagulat nang malamang posibleng may anak pa si Allan sa kanyang dating kasintahan

- Ito ay dahil umano sa isang psychic na nasa audience ni Allan at sinabing may anak daw siya

- Kaya naman nanawagan si Allan sa ex-girlfriend na si Emma sa pagbabakasakaling mayroon nga silang naging anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang nagulat ang mga Dabarkads nang isiwalat ni Allan K na nagkaroon pala siya ng girlfriend.

Nalaman ng KAMI na sa segment ng Eat Bulaga na 'Bawal Judgmental', hinanap nila kina Allan K, Vic Sotto, Joey De Leon, Jimmy Santos at Tito sotto kung sino sa kanila ang nagkaroon ng ex-girlfriend na ang pangalan ay Emma.

Read also

Ion Perez, nalungkot nang 'di payagang mag-propose noon kay Vice Ganda sa It's Showtime

Allan K, nanawagan sa kanyang ex-GF tungkol ' 'di umano sa kanilang anak: "Dugo ko 'yun!"
Allan K (@allan_klownz)
Source: Instagram

Unang hula ng contestant, si 'Tito Sen' ito. Ngunit nang bigyan pa siya ng isa pang pagkakataon, si Allan K na ang sinabi nito kung saan tumama na siya.

Kwento ni Allan, bokalista siya ng banda noon nang makilala si Emma at naging kasintahan niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mas lalong ikinagulat ng dabarkads ng ikwento pa ni Allan na maaring nagkaroon pa sila ni Emma ng anak.

Aniya, nasa isang show siya noon nang biglang sabihin ng isang psychic na 'alam mo may anak ka!'.

Kaya naman nasabi ng kanilang Bossing Vic na bakit hindi ipanawagan ni Allan kay Emma kung mayroon nga ba silang anak nito.

"Emma baka totoo nga, Emma Bernaldez, kung totoo man nga nagkaanak ako sa'yo ay ipa-DNA natin at pananagutan ko 'yung bata. What if kung totoo na may anak ako, 'di ba? Siyempre dugo ko 'yan."

Read also

Vice Ganda, 2020 pa nang ma-engage kay Ion Perez subalit piniling ilihim sa publiko

Narito ang kabuuan ng kwento ni Allan K:

Si Allan K ay isa sa mga host ng longest running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host na nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey."

Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.

Matatandaang nag-viral din ang nakamamanghang kwento ng pag-ibig ni Danny Cortezano at ang kanyang namayapa nang misis na si Lorna.

Buong tapang na naikwento rin ni Danny sa 'Bawal Judgmental' ang masasayang taon na nakasama niya ang misis hanggang sa mga huling sandali nito lamang Disyembre ng 2020 bago ito bawian ng buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel