Karen Davila kay Julius Babao: "He is not just a colleague but a friend"
- Puno ng emosyon ang mensahe ni Karen Davila para kay Julius Babao na sinasabing iiwan na ang ABS-CBN
- Sa kanyang Facebook post, tila nakumpirma ito ni Karen at sinabing huling linggo na ni Julius sa Kapamilya network
- Aniya, hindi lamang kasi katrabaho ang turing ni Karen kay Julius kundi isang kaibigan
- Kamakailan ay lumabas ang bali-balitang papalit kay Raffy Tulfo sa Frontline Pilipinas ng News5 si Julius Babao
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isang emosyonal na post ang naibahagi ni Karen Davila patungkol sa kapwa niya news anchor na si Julius Babao.
Nalaman ng KAMI na tila pamamaalam niya ito kay Julius na sinasabing lilipat sa News5 bilang kapalit ni Raffy Tulfo sa Frontline Pilipinas.
Sa kanyang post, inaalala niya ang mga panahon nakasama niya si Julius na itinuring niya hindi lamang bilang katrabaho kundi isa ring kaibigan.
"Of my 20 years in ABSCBN, @juliusbabao has been my co-anchor the longest. He is not just a colleague but a friend"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"We first partnered in TVPatrol World from 2004-2010 with Ted Failon & then Bandila in 2010-2019 with Ces Drilon," kung saan makikita ang larawan nilang tatlo ni na Julius at Ces.
Ayon pa kay Karen, huling linggo na niyang makakasama ang kaibigan sa ABS-CBN.
"I’m feeling nostalgic anchoring with Julius on his last week with ABSCBN."
Gayunpaman, alam naman ni Karen na magkikita pa rin sila ni Julius at wala siyang ibang hiling kundi ang kabutihan para sa kaibigan.
"Bilog ang mundo at alam ko, magkikita tayong muli. Wishing you well Julius!"
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).
Sa ngayong aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.
Si Karen din ang nakapagkumbisi sa kanyang best friend na si Kim Atienza na pasukin na rin ang pagiging isang YouTuber.
Source: KAMI.com.gh