Sheryn Regis, unang inamin sa dating asawa na isa umano siyang lesbian

Sheryn Regis, unang inamin sa dating asawa na isa umano siyang lesbian

- Unang inamin ni Sheryn Regis na isa umano siyang lesbian sa kanyang dating asawa

- Nanginginig daw siya habang sinasabi sa mister ang kanyang saloobin na dati'y in denial pa raw talaga siya

- Inamin daw ito ni Sheryn, at hindi lamang daw niya niloko ang mister at kanyang pamilya kundi pati na rin ang kanyang sarili

- Iyon daw ang nakikita niyang dahilan kung bakit dumanas siya ng matinding depresyon dahil sa hindi agad pagpapakatotoo sa sarili

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Sheryn Regis at sa partner nitong si Mel De Guia, ikinuwento ng kilalang singer kung paano siya tuluyang nag-out at nagpakatotoo sa publiko.

Nalaman ng KAMI na unang sinabihan ni Sheryn ang ex-husband niyang si Earl Echiverri.

Sheryn Regis, unang inamin sa dating asawa na isa umano siyang lesbian
Sheryn Regis (@sherynregis)
Source: Facebook

Aniya, nanginginig-nginig pa siya habang inaamin kay 'Tito Earl' ang kanyang saloobin pagdating sa kanyang kasarian.

Read also

Toni Gonzaga, napaiyak habang nagbibigay ng mensahe sa kanyang Uncle Jojo

"Mas unang nalaman ni Tito Earl. Tito Earl is my husband, may ex-husband. Sabi ko sa kanya 'Tito Earl, I am a lesbian'."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Syempre asawa mo 'yun ego ng lalake yun. Nag-asawa ako ng lesbiana... Ano 'to niloloko ako? Sabi ko yes tito Earl. Im living a lie. Not just to you, not just to the family, Lie sa sarili ko," paliwanag ni Sheryn.

Ito rin umano ang nakikita niyang dahilan kung bakit dumanas siya ng matinding depresyon at iba pang karamdaman dahil sa hindi pagpapakatotoo sa kanyang sarili.

"Kaya siguro ako nagkaroon ng depression, nagkasakit ako, sinubok na ako ng buhay."

Aniya, parang ramdam na rin naman ng kanyang mister lalo na at hindi normal ang kanilang pamilya. Madalas daw kasing nasa trabaho si Sheryn at aminadong mas focus siya rito kaysa sa kanyang pamilya.

Read also

Ivana Alawi, napansing naluluha ang road manager dahil sa lugar ng photoshoot

Nilinaw din ni Sheryn na maayos ang pakikitungo ng kanyang dating mister sa bago naman niyang partner na si Mel. Aniya, madalas pa ngang nagkakausap ang dalawa.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Sheryn na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Isa nga sa mga naitampok niya sa kanyang channel ay si Dr. Vicki Belo na naikwento kung bakit ayaw niyang binabati siya sa kanyang kaarawan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel