Alwyn Uytingco, masayang ibinahagi ang kanilang family picture ngayong Pasko

Alwyn Uytingco, masayang ibinahagi ang kanilang family picture ngayong Pasko

- Hindi nagpahuli si Alwyn Uytingco sa pagbahagi ng family picture sa kanyang pagbati ngayong Kapaskuhan

- Ito ang pangalawang beses na nagbahagi ang aktor ng kanilang famly pictures simula nang muli silang nagkaayos ng misis na si Jennica Garcia

- Sa kanyang post ay pinagpasalamat niya sa Panginoon ang pagkakaroon niya ng pamilya

- Marami ang natuwa na sa wakas ay tila maayos na ang pagsasama nila ni Jennica matapos ang unos na dumaan sa kanilang relasyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinagpasalamat ni Alwyn Uytingco sa Panginoon ang pagkakaroon niya ng pamilya. Kalakip ito ng kanyang pagbati ng Maligayang Pasko. Ibinahagi niya rin ang family picture nila sa post niyang ito sa Facebook.

Alwyn Uytingco, masayang ibinahagi ang kanilang family picture ngayong Pasko
Alwyn Uytingco (@alwynzky)
Source: Instagram

Ito ang pangalawang beses na nagbahagi ang aktor ng kanilang famly pictures simula nang muli silang nagkaayos ng misis na si Jennica Garcia. Marami ang natuwa na sa wakas ay tila maayos na ang pagsasama nila ni Jennica matapos ang unos na dumaan sa kanilang relasyon:

Read also

Sir Wil, todo suporta kay Madam Inutz: "Kahit tissue lang ulamin ko hanggang 2025"

Matapos ang ilang buwan na pagiging tahimik kaugnay sa isyu na kinasangkutan kaugnay sa balitang naghiwalay sila ng misis, nagbahagi siya ng kanilang pictures na magkakasama

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nauna nang nabanggit ni Jennica Garcia na nag-uusap na sila ni Alwyn upang subukang ayusin ang kanilang pamilya. Bumuhos ang pagbati para sa mag-asawa matapos i-post ni Alwyn ang kanilang mga pictures kung saan kasama nila ang dalawang mga anak.

So happy to see you together again my favorite couple ♥ God Bless your family
Im happy for you guys sana ma notice ako mga idol ❤️ god bless your family guys
Dapat ganito, hindi katulad nung iba dyan pinanindigan na iwan ang pamilya para lang sa kalndian..

Si Alwyn Uytingco ay nagsimulang makilala sa mundo ng showbiz matapos maging bahagi ng "Ang TV." Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Ang Tanging Ina kung saan gumanap siya bilang si Pip at ang 2018 film na Asuang kung saan ginawaran siya ng Best Acting Award sa Cinema One Originals 2018 International Film Festival.

Read also

Misis ng nakaalitang pulis ni Sachzna, nakaharap ang kasamang babae nito

Naging usap-usapan ang balitang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Jennica Garcia. Isang makahulugang mensahe ang kanyang binahagi kasunod ng pag-viral ng video kung saan umiiyak si Jennica.

Sa isang panayam ay kinumpirma ni Jennica ang tungkol sa kanilang pinagdadaanan ni Alwyn. Gayunpaman, nilinaw niyang hindi totoo ang isyu na dahil umano sa kakulangan sa sustento kaya sila naghiwalay. Pinagtanggol niya rin si Alwyn sa mga bashers.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel