Coco Martin at Julia Montes, magka-holding hands sa behind-the-scenes video ng #abscbnchristmasspecial2021

Coco Martin at Julia Montes, magka-holding hands sa behind-the-scenes video ng #abscbnchristmasspecial2021

- Sa isang TikTok video ay makikita ang ilan sa mga Kapamilya stars habang naglalakad habang nagsho-shoot ng #abscbnchristmasspecial2021

- Kabilang sa mga artistang namataan doon ay ang napapabalitang magkarelasyon na sina Coco Martin at Julia Montes

- Makikita ang dalawa na magkahawak-kamay na naglalakad kasabay ng iba pang mga Kapamilya stars

- Agad na nag-viral ang video na talaga namang nagpa-kilig lalo na sa mga CocoJul fans

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinakiligan ng mga CocoJul fans ang isang TikTok video na ibinahagi ng TikTok user na may handle na @kristofervengco. Kuha ang behind-the-scene clips sa shoot ng #abscbnchristmasspecial2021.

Coco Martin at Julia Montes, magka-holding hands sa behind-the-scenes video ng #abscbnchristmasspecial2021
Julia Montes (@montesjulia08)
Source: Instagram

Kabilang sa mga artistang namataan doon ay ang napapabalitang magkarelasyon na sina Coco Martin at Julia Montes. Makikita ang dalawa na magkahawak-kamay na naglalakad kasabay ng iba pang mga Kapamilya stars.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Mayor Sara, mabilis na kinuha ang alcohol nang mapabahing si BBM sa isang makulit na video

Agad na nag-viral ang video na talaga namang nagpa-kilig lalo na sa mga CocoJul fans:

Mahahalata mo talaga kong sino talaga yung real couple dyan. That holding hands from CocoJul and KathNiel sana all
Magkasanod na nakaholding hands, ang cute ng KathNiel at nila Coco at Julia. Ang sweet sweet naman ni coco martin yow i love u idol Julia Montes
Binalikan ko pa yung part na dumaan sila coco and julia kasi akala ko namalikmata lang ako. iiiiih kilig ako!

Bukod kina Coco at Julia kinakiligan din ang tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na magkahawak-kamay ding naglalakad.

Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay ay isang aktres na may lahing German. Nag-umpisa ang kanyang karera sa showbiz nang mapabilang siya sa youth oriented gag show na "Goin' Bulilit". Bumida din siya sa ilang mga teleserye kagaya ng "Mara Clara", "Asintado" at "Doble Kara".

Hindi tinatago ng aktres ang kanyang pagsuporta sa napapabalitang karelasyon sa muling pagbabalik ng FPJ's Ang Probinsiyano matapos matigil ang pagpapalabas nito kaugnay sa naganap na lockdown at pati na rin ng pagkabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Walang pag-amin o pagtanggi mula sa kanila kaugnay sa balitang lumabas na diumano'y nagkaroon na sila ng anak at hindi pa lamang nila umano isinasapubliko ang tungkol dito

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate