Ivana Alawi at Gerald Anderson, magkakaroon ng teleserye sa 2022

Ivana Alawi at Gerald Anderson, magkakaroon ng teleserye sa 2022

- Matunog ang balitang magkakaroon ng isang teleserye na pagtatambalan nina Ivana Alawi at Gerald Anderson sa papasok na taong 2022

- Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Ivana na magkakaroon nga siya ng teleserye 'soon'

- Lalong na-excite ang fans nang makasama ni Ivana sina Sam Milby at Gerald Anderson sa isang song number sa ABS-CBN Kapamilya Christmas Special

- Matatandaang hindi natuloy ang dapat na teleserye niya na 'Ang lihim ng Ligaya' nang magkaroon ng pandemya dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Biglang na-excite ang mga fans ni Ivana Alawi nang i-anunsyo niyang magkakaroon siya ng isang teleserye.

Nalaman ng KAMI na sa kanyang Instagram post kung saan suot niya ang eleganteng red gown, sinabi ni Ivana ang tungkol sa teleserye.

Ayon sa The Scoop, si Gerald Anderson umano ang makakatambal ni Ivana sa naturang teleserye sa Kapamilya network.

Read also

Brenda Mage sa Christmas message niya para sa BF na si Kelvin: "Thank you for accepting me"

Bahagyang nakumpirma ito ng kanyang mga fans nang makasama ni Ivana sa kanyang song number sa ABS-CBN Christmas Special si Gerald Anderson gayundin si Sam Milby.

Kinanta nila ang awiting 'Imahe' kaya naman lalong natuwa ang mga subscribers ng YouTube Star dahil maging sa telebisyon ay napanood at mapapanood na nila ang kanilang idolo.

Wala pa mang pormal na kumpirmasyon, 'GerVana' na umano ang pakaaabangang love team sa taong 2022.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang song number nina Ivana, Gerald at Sam sa ABS-CBN Christmas Special na naibahagi rin ni Jerry Hamoy:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip ang ipinagagawa nilang bahay sa 'bundok'

Kamakailan, naging usap-usapan ang ilan sa mga vlogs ni Ivana na nagpapakita ng labis na pagmamahal at pagmamalasakit niya sa kanyang pamilya.

Tulad na lamang nang maikwento ni Ivana na nag-agaw buhay na umano ang kapatid na si Mona. Handa raw siyang gawin ang lahat, kahit na magkano, mapagaling lamang ang kapatid sa kondisyon nito.

Natuwa rin ang mga netizens sa challenge ni Ivana sa kanyang nanay kung saan niregaluhan niya ito ng isang milyong piso sa kanayang kaarawan.

Maging ang no cellphone challenge na inakala ng marami na basta challenge lamang, iyon pala pinalitan ni Ivana ng pinakabagong iPhone ang mga cellphone ng kanyang pamilya.

Matatandaang hindi rin natuloy ang kanyang teleserye noong 2020 na may pamagat nang "Ang Lihim ni Ligaya" sa takot na makapagdala siya ng COVID-19 sa kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica