Ivana Alawi, sobrang saya sa kinalabasan ng kanyang 'high-tech' na kitchen

Ivana Alawi, sobrang saya sa kinalabasan ng kanyang 'high-tech' na kitchen

- Sobrang saya ni Ivana Alawi sa kinalabasan ng kanyang high-tech na kitchen

- Sa kanyang pinakabagong vlog ipinasalip ni Ivana ang kanyang napakaganda at napakalinis na bagong kusina

- Ipinakita rin ni Ivana ang mga stock nilang pagkain lalo na ang mga paborito niyang childhood comfort food

- Makikita rin sa vlog ang koleksyon ni Ivana ng mga tea na isa rin sa mga paborito niyang inumin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pinakabagong vlog ni Ivana, ipinakita niya ang kinalabasan ng kanilang bagong gawang kitchen.

Nalaman ng KAMI na tinwag ito ni Ivana na high-tech dahil aakalaing walang laman ang kusina na napakalinis at napaka-eleganteng tingnan.

Iyon pala, kakaiba at makabagong style ang pantry at mga cabinet nito kung saan maayos na nakatago ang kanilang mga pagkain.

Ivana Alawi, sobrang saya sa kinalabasan ng kanyang 'high-tech' na kitchen
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Maging ang kanilang refrigerator ay hindi halata dahil sa kakaiba nitong disenyo na tila bahagi pa rin ng naggagandahang mga cabinet at storage.

Read also

Janus Del Prado, may payo sa mga magulang: "'Di kayo nag-anak para i-ahon kayo sa hirap"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At ang pinaka-paborito raw ni Ivana ay ang kanyang cupboard kung saan hindi na kakailanganin ng upuan o ladder para maabot ang mga nakalagay.

Ipinasilip din ni Ivana ang kanilang mga stock na pagkain kabilang na ang mga kanyang mga comfort food mula pagkabata.

Gayundin ang koleksyon niya ng mga tea na isa raw sa kanyang mga paboritong inumin.

Matatandaang sa mga nakaraang vlog, nabanggit na ni Ivana ang hilig niya sa pagluluto. Katunayan, ilan pa sa mga vlogs niya ay tila naging cooking show sa sarap ng mga ipinakikita nilang lutin kasama ang kanyang Mama Alawi.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Mariel Padilla, nawindang sa bill matapos maghakot ng laruan ang mga anak

Kamakailan, naging usap-usapan ang ilan sa mga vlogs ni Ivana na nagpapakita ng labis na pagmamahal at pagmamalasakit niya sa kanyang pamilya.

Tulad na lamang nang maikwento ni Ivana na nag-agaw buhay na umano ang kapatid na si Mona. Handa raw siyang gawin ang lahat, kahit na magkano, mapagaling lamang ang kapatid sa kondisyon nito.

Natuwa rin ang mga netizens sa challenge ni Ivana sa kanyang nanay kung saan niregaluhan niya ito ng isang milyong piso sa kanayang kaarawan.

Maging ang no cellphone challenge na inakala ng marami na basta challenge lamang, iyon pala pinalitan ni Ivana ng pinakabagong iPhone ang mga cellphone ng kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel