Donekla, nanggugulat ng mga nakakasalubong para bigyan ito ng pang-Noche Buena

Donekla, nanggugulat ng mga nakakasalubong para bigyan ito ng pang-Noche Buena

- Namigay ng mga Noche Buena boxes sina Donita Nose at Super Tekla sa mga taong napipili nila na dumaraan lang sa kalsada

- Nasa 20 boxes at gift bags ang kanilang ipinamigay na labis na nagpsaya sa mga taong alam nilang naghihikahos sa buhay

- Ginugulat muna nila ito at tinatanong ngunit ang kasagutan dapat ay mali para makuha nila ang premyo

- Maraming netizens ang natuwa sa ginawa na ito ng Donekla in Tandem dahil bukod sa nakapagpasaya sila nakapagbabahagi pa sila ng blessings

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Namahagi ng mga pang-Noche Buena sina Donita Nose at Super Tekla sa masuswerte mga kababayan natin na kanilang nakakasalubong.

Nalaman ng KAMI na namili ng nasa 20 Noche Buena packs sina Donita at Tekla na ipinamahagi nila para mamahagi na rin ng saya sa darating na Kapaskuhan.

Read also

TikTok Star Sassa Gurl, inaming anak ng kasambahay; sinurpresa ni Karen Davila

Ngunit dahil sila ay likas na mga komedyante naisipan nilang gulatin muna ang mga mapipili nilang bigtan.

Donekla, nanggugulat ng mga nakakasalubong para bigyan ito ng pang-Noche Buena
Sina Super Tekla at Donita Nose (Photo from Donekla in Tandem)
Source: Instagram

Bukod dito, tinatanong muna nila ang mga ito at kailangan na maling sagot ang maibigay ng mga ito sa kanila para makuha ng mga ito ang Noche Buena packs.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Game na game naman ang mga napipili nilang bigyan na lahat ay maling sagot ang ibinigay.

Kaya naman lahat ng mga ito ay nakakuha ng kanilang pang-Noche Buena.

Ang isang lolo na balut vendor ay binigyan pa rin ng Donekla ng Php2,000 bukod sa food pack para raw makauwi na ito at makapahinga manlang sa paglalako.

Dahil dito, maraming netizens ang humanga sa Donekla dahil sa bukod sa pagpapatawa ng mga ito, nakapagbabahagi pa sila sa mga labis na nangangailangan.

Read also

Vice Ganda, namigay ng papaskong Vice Cosmetics sa Drive-Thru

Narito ang kabuuan ng video:

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa programang Wowowin ni Willie Revillame. Kasalukuyan na silang mayroong 3.12 million subscribers sa kanilang YouTube channel.

Kamakailan lamang, ipinagdiwang nina Donita at Tekla ang first anniversary ng kanilang YouTube channel.

Hindi naiwasang maging emosyonal nang dalawa nang kanilang balikan ang mga nangyari sa loob ng isang taon. Doon, nagkaaminan din sila umano ng mga bagay na ayaw nila sa isa't isa.

Ibinahagi rin nila ang unboxing nila ng kanilang gold play button sa pagkakaroon ng mahigit isang milyong subscribers.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel