Vice Ganda, namigay ng papaskong Vice Cosmetics sa Drive-Thru

Vice Ganda, namigay ng papaskong Vice Cosmetics sa Drive-Thru

- Namigay ng Vice Cosmetics si Vice Ganda sa mga crew ng fast food sa kanilang drive-thru

- Natuwa rin kasi si Vice na halos iisa ang sinasabi ng mga fast food crew na napupuntahan na maganda raw siya sa personal

- Keriboom kit ng Vice Ganda cosmetics ang pinamigay niya at tuwang-tuwa naman ang mga nabibiyayaan niya

- Maging ang mga natatapat na crew na lalaki ay kanyang binibigyan para may mairegalo raw ito sa kanilang nobya o kahit sa kanilang mga ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Namahagi ng Vice Cosmetics si Vice Ganda nang mag-ikot siya sa mga drive-thru ng fast-food.

Nalaman ng KAMI na sinusurpresa niya ang mga crew na naroon at bilang pamasko, namimigay siya ng 'Keriboom' kit ng kanyang Vice cosmetics.

Vice Ganda, namigay ng papaskong Vice Cosmetics sa Drive-Thru
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ang nakatutuwa pa sa mga mga crew, halos iisa ang kanilang nasasabi na maganda raw sa personal ang It's Showtime host.

Read also

Lola na labis ang pag-iyak habang namamaalam sa nabagansyang mga alagang aso, viral

Sobrang saya naman ng kanyang mga nabibigyan lalo na ang isa na talagang gusto raw niyang bumili ng 'Keriboom kit' ngunit wala lamang daw siyang budget.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman labis ang pasasalamat niya kay Vice nang bigla na lamang siyang abutan nito ng make-up kit.

Maging ang mga lalaking crew ay binibigyan pa rin ni Vice para maibigay daw ng mga ito sa kanilang nobya o kahit pa sa kanilang ina.

Masarap din daw sa pakiramdam ng komedyante na patuloy siyang nakapagpapasaya ng mga tao.

Narito ang kabuuan ng video mula mismo sa YouTube channel ni Vice Ganda:

Si Vice Ganda ay isang sikat na artista comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Read also

Mga Larawan nina Allan K at Ahron Villena na kuha umano sa Boracay, viral na

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 6.06 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan, naibahagi ni Vice ang madamdaming video kung paano niya sinurpresa ang kanyang pamilya sa bagong tahanan ng mga ito na regalo niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel