PBB Alexa, hindi ginamit ang kanyang power sa automatic nomination

PBB Alexa, hindi ginamit ang kanyang power sa automatic nomination

- Emosyonal si Alexa Ilacad nang tanungin siya ni Big Brother kung gagamitin ba niya ang kanyang power sa automatic nomination

- Iyon na raw ang huling araw na maari niyang gamitin ang power na hindi naman ginamit ni Alexa

- Aniya, hindi raw 'power' ito sa kanya kundi isang 'burden' kaya final na raw ang desisyon niyang hindi ito gamitin sa kapwa niya housemates

- Samantala, si Madam Inutz naman ay ginamit na ang kanyang immunity sakaling maging nominado siya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilan ni Alexa Ilacad ang kanyang mga luha nang tanungin na siya ni Big Brother kung gagamitin na ba niya ang kanyang power para sa automatic nomination ng mapipili niyang housemate.

Nalaman ng KAMI na noong Linggo, Disyembre 12 ang huling araw kung kailan lamang maaring magamit ni Alexa ang kanyang power para sa automatic nomination.

Read also

Alexa kay Brenda: "Natatawag na niya akong mukhang tanga at desperada”

PBB Alexa, hindi ginamit ang kanyang power sa automatic nomination
Alexa Ilacad (@alexailacad)
Source: Instagram

"Parang hindi ko po siya kayang gamitin," bungad ni Alexa na naiiyak na habang nagpapaliwanag kay Big Brother.

"Hindi ho siya power para sa akin, for me it's a burden," adagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman final answer na raw talaga ang hindi niya paggamit nito na maaring ikapapahamak ng housemate na mapipili niya.

Samantala, si Madam Inutz naman na mayroong immunity ay ginamit na ito sa pangambang magiging nominado siya sa linggong ito.

Subalit isa siya sa mga hindi naging nominado tulad nina Alyssa Valdez at Samantha Bernardo.

Narito ang kabuaan ng mga nangyari mula sa Pinoy Big Brother YouTube channel:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Brenda Mage, kinompronta si Eian Rances tungkol kay Alexa Ilacad

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno, Alexa Ilacad at Eian Rances.

Samantala, naging kontrobersyal naman ang pahayag ng nobyo ni Brenda Mage na umaming nagseselos ng konti kay Eian Rances.

Matatandaang nabanggit ni Eian na nami-miss niya si Brenda nang mahati sa dalawang grupo ang mga housemates noong nakaraang linggo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica