Angeline Quinto, ibinahaging hiling ng Mama Bob niya na magkaanak siya
- Para kay Angeline Quinto, sa kabila ng kanyang kalungkutan sa pagkawala ng kanyang Mama Bob, kahit papaano ay napawi ang kanyang dinadalang bigat
- Aniya, naroon siya nang unti-unting tumigil sa pagtibok ng puso ng kanyang ina at ngayon ay nakarinig na naman siya ng heartbeat at ito ay sa kanyang baby sa kanyang sinapupunan
- Nababanggit din ni Angge na hiling dati ng kanyang Mama Bob na sana ay magkaroon na siya ng apo kay Angeline para may makasama ito
- Maging si Angeline ay sinabing iba ang kanyang nararamdamang kaligayahan sa kasalukuyan kaya hiling niya ay maging masaya na lang ang fans niya para sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Malungkot man sa pagkawala ng kanyang Mama Bob, napalitan kahit paano ng kaligayahan ang pighati ni Angeline Quinto dahil sa kanyang pagdadalang-tao. Aniya, gustong-gusto niyang ipagmalaki ang kanyang pagbubuntis dahil sobra siyang masaya sa kanyang bagong journey.
Kwento ni Angeline, naroon siya nang unti-unting tumigil ang tibok ng puso ng kanyang Mama Bob. Kaya naman, kakaibang kasiyahan ang kanyang nadama nang marinig niya sa unang pagkakataon ang heart beat ng kanyang anak.
Nababanggit din ni Angge na hiling dati ng kanyang Mama Bob na sana ay magkaroon na siya ng apo kay Angeline para daw may makasama ito sa buhay kapag nawala na siya. Maging si Angeline ay sinabing iba ang kanyang nararamdamang kaligayahan sa kasalukuyan kaya hiling niya ay maging masaya na lang ang fans niya para sa kanya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.
Ilan sa kanyang mga pumatok na vlogs ay sa YouTube channel niya ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.
Isa si Angeline sa mga artista at sikat na personalidad na pumasok na sa vlogging nang magkaroon ng pandemya na nagresulta ng limitadong oportunidad para sa kanilang nasa entertainment industry.
Source: KAMI.com.gh