Janus Del Prado sa pamilya: "Ayaw nila ako doon in general"

Janus Del Prado sa pamilya: "Ayaw nila ako doon in general"

- Buong tapang na naibahagi ni Janus Del Prado ang tungkol sa sitwasyon niya sa kanyang pamilya

- Aminado siyang isa sa mga tinamaan ng pandemya, na kinailangan niyang lumipat ng tirahan

- Bagaman at may isang kaibigan na nagmalasakit sa kanya at patutuluyin na sana siya sa isang bakantaeng kwarto nito, ipinaalam niya pa rin ito sa kanyang pamilya

- Subalit sa pangamba raw umano ng kanyang pamilya sa sasabihin ng iba, pinatuloy pa rin naman siya subalit ramdam daw niyang ayaw sa kanya ng mga ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isiniwalat ni Janus Del Prado ang ilang mga naging kaganapan sa kanyang pagbabalik sa puder ng kanyang pamilya.

Nalaman ng KAMI na aminado si Janus na isa siya sa mga naapektuhan ng pandemya lalo na sa ikalawang pagkakataon na nalagay sa ECQ ang Metro Manila.

Read also

Bulag, buwis-buhay na nangunguha ng kawayang gagawing alkansya para mailako

Janus Del Prado sa pamilya: "Ayaw nila ako doon in general"
Janus Del Prado (@janusdelprado)
Source: Instagram

Naikwento niyang maging ang pambayad ng kanyang tinitirhan noon ay naging problema na niya kaya minabuti niyang lisanin na ito.

Ramdam na raw sa umpisa pa lamang ni Janus na ayaw sana siyang patuluyin ng kapatid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit nang mabanggit niyang isang kaibigan sana ang tutulong sa kanya at patutuluyin siya sa isang bakanteng kwarto ng bahay nito, ipinaalam niya pa rin ito sa kanyang pamilya.

Doon, pinatuloy na siya sa kanilang tahanan sa takot na may masabi ang iba 'pag nalamang nakatira si Janus sa tahanan ng kaibigan at hindi ng kanyang pamilya.

Subalit sa pananatili niya roon, lalo niyang nararamdaman na ayaw umano sa kanya ng kanyang kapatid.

"Kung wala namang pandemic, hindi naman ako hihingi ng tulong"

Mas lalong nakadagdag sa tindi ng sitwasyon ang pagkakaroon niya ng COVID-19 at nahawahan niya ang kanyang mga kapamilya.

Read also

Zeinab Harake, ipinakita ang kanyang pagkain para sa mga nag-aalalang fans; "Takaw ko nga e!"

"Hindi 'yung sakit ang nagpalala e, yung mga kasama ko"

Sa ngayon, nakalipat naman na si Janus sa tulong ng kanyang manager na si Ogie Diaz at iba pang mga kaibigang nagmalasakit sa kanya.

Dating contract artist ng Star Magic si Janus Del Prado. Nagkasama sila ng ipinagtatanggol niyang kaibigan na si Bea Alonzo sa ilang mga pelikula tulad ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013.

Matatandaang sa unang panayam sa kanya ni Ogie Diaz, idinetalye ni Janus ang mga cryptic post niya noon na bahagi lamang umano ng pagtatanggol niya sa kanyang mga kaibigan partikular na kay Bea Alonzo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica