Zeinab Harake, ipinakita ang kanyang pagkain para sa mga nag-aalalang fans; "Takaw ko nga e!"

Zeinab Harake, ipinakita ang kanyang pagkain para sa mga nag-aalalang fans; "Takaw ko nga e!"

- Ipinakita ni Zeinab Harake sa kanyang fans na siya ay kumakain taliwas sa inaakala ng iba na napapabayaan na niya ang kanyang sarili

- Nakatatanggap kasi si Zeinab ng ilang komento sa kanyang mga fans na nakapansin ng kanyang pagpayat

- Nag-aalala raw ang mga ito lalo na at may baby na ngayon si Zeinab na si 'Bia'

- Ani Zeinab, sa kabila ng kanyang mga pagpupuyat at ng kanyang busy schedule, inaalagaan pa rin naman niya ang kanyang sarili

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinakita ni Zeinab Harake lalong-lalo na sa kanyang mga fans na siya ay maayos naman na kumakain.

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan ito sa mga natatanggap niyang komento na tila napababayaan na niya ang kanyang sarili.

Zeinab Harake, ipinakita ang kanyang pagkain para sa mga nag-aalalang fans; "Takaw ko nga e!"
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Ayon sa kanyang mga followers, kitang-kita na umano ang kanyang pagpayat at nag-aalala ang mga ito sa pagbaba ng kanyang timbang.

Read also

Ivana Alawi, sobrang saya sa kinalabasan ng kanyang 'high-tech' na kitchen

Sa vlog ng kanyang birthday photoshoot, ipinakita ni Zeinab na siya ay hindi naman nakakalimot na kumain. Katunayan, kanin pa ang kanyang na-order sa drive thru at kinain niya ito habang patungo pa lang sila sa venue ng kanyang shoot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Pakita natin sa kanilang kakain ako, para hindi sila nag-iisp na pinababayaan ko sarili ko"

Narito ang kabuuan ng video:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang pagtulong niya sa isang institusyon na nangangalaga sa mga batang may malubhang karamdaman. Napasaya niya ang mga ito sa pamamahagi niya ng mga pagkain, laruan at iba pang mga pangangailangan ng mga bata.

Bukod sa pagtulong niya sa mga kababayang nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Matatandaang umabot sa Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel