Ogie Diaz sakaling magpaalam na maging calendar girl si Liza: "Umiinom ka ng alak anak?"

Ogie Diaz sakaling magpaalam na maging calendar girl si Liza: "Umiinom ka ng alak anak?"

- Unang tatanunging ni Ogie Diaz ang alagang si Liza Soberano kung umiinom ito ng alak bago raw niya ito payagang maging Tanduay calendar girl

- Napag-usapan nila ito ni Mama Loi matapos nilang batiin si Bea Alonzo sa napakagandang photo shoot nito para sa 2022 calendar girl

- Naitanong kasi ni Mama Loi kay Ogie kung papayagan nito si Liza sakaling magsabi ito na nais niyang maging isang calendar girl

- Paliwanag pa ni Ogie, nakaka-mature umano ang pagtanggap ng ganitong proyekto tulad na lamang ng mga roles ng artista na nakakatanda lamang kung maature roles na ang kanilang ginagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila hindi papayagan ni Ogie Diaz ang kanyang alagang si Liza Soberano sakaling magsabi umano ito sa kanya isang araw na nais niyang maging isang Tanduay calendar girl.

Naitanong kasi ito sa kanya ni mama Loi matapos nilang bigyang puri si Bea Alonzo sa napakagandang photo shoot nito para sa 2022 Tanduay calendar.

Read also

Pamilyang nakatira sa sementeryo at kumakain lamang ng pagpag, natulungan ni Raffy Tulfo

Ogie Diaz sakaling magpaalam na maging calendar girl si Liza: "Umiinom ka ng alak anak?"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Paliwanag ni Ogie, una muna niyang tatanungin si Liza kung umiinom ba siya ng alak.

"Tatanong ko muna sa kanya kung umiinom ka ba ng alak anak?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Para ka na ring nagi-endorse ng liquor, parang nagi-endorse ka rin ng yosi, di ba? Kahit pa sabihin mong calendar lamang 'yan, syempre importante pa rin, kino-consume mo ba 'yan, ginagamit mo ba 'yan, hilig mo ba 'yan umiinom ka ba ng alak?" dagdag pa ni Ogie.

Nakaka-mature din daw umano ang pagi-endorso ng alak.

"Nakakadagdag ng edad. Ang mga artista, tandaan ninyo ha, hindi sila tumatanda every time sumasapit 'yong birthday nila.Tumatanda sila sa mga role o character na ginagampanan nila," paliwanag pa ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Read also

Barbie Imperial, pinabulaanang nagkasakitan sila ni Diego Loyzaga

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel