Vice Ganda, nagulat sa dami ng gamot na nakita sa mga bags ng Beks Battalion

Vice Ganda, nagulat sa dami ng gamot na nakita sa mga bags ng Beks Battalion

- Nagulat si Vice Ganda sa dami ng mga dalang gamot na nakita niya sa mga bag ng Beks friends at Beks Battalion

- Inaya kasi siya ni Divine Tetay na ipakita ang bag collection subalit bag ng mga kaibigan ang kanilang naipakita

- Nag-sleepover at nagkaroon ng masayang bonding ang mga Beks friends at Beks Battalion sa bahay ni Vice

- Mapapanood din ang mga collab videos nila sa kani-kanilang YouTube channel

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagulat si Vice Ganda sa dami ng gamot na nakita niya sa mga bag ng Beks friends at Beks Battalion.

Nag-sleepover kasi ang mga ito sa kanyang bahay kung saan naibahagi rin nila sa kani-kanyang YouTube channel ang masaya at makulit nilang mga bonding moments.

Sa channel ni Divine Tetay, inaya niya si Vice na ipakita ang bag collections nito.

Read also

Bagong vlog nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, kinagiliwan ng kanilang mga ka-maintenance

Vice Ganda, nagulat sa dami ng gamot na nakita sa mga bags ng Beks Battalion
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Subalit imbis na ang mga koleksyon ni Vice ang kanyang ipakita, mga bags ng Beks friends at Beks Battalion ang kanilang na-bag raid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa dami ng gamot, napansin din ni Vice ang umano'y dami ng pera sa mga wallet ng mga ito.

Maging ang bag ni Divine Tetay ay di nakaligtas sa bag raid ni Vice.

"Alam mo napansin ko, lahat ng mga bag na 'to puro punon-puno ng gamot. Matatanda na ba ang mga may-ari ng mga bag na'to?" pag-uusisa ni Vice.

"Hindi naman... We just wanna take care of our health," paliwanag naman ni Divine Tetay.

Ilan sa mga bag na kanilang na-raid ay ang bag nina Lassy, Chad Kinis, MC Muwah at Kitty.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Read also

Kris Aquino, pinasalamatan ang nasa likod ng viral TikTok videos nila ni Mel

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 5.95 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan, naibahagi ni Vice ang madamdaming video kung paano niya sinurpresa ang kanyang pamilya sa bagong tahanan ng mga ito na regalo niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel