Kris Aquino, pinasalamatan ang nasa likod ng viral TikTok videos nila ni Mel

Kris Aquino, pinasalamatan ang nasa likod ng viral TikTok videos nila ni Mel

- Nagpasalamat si Kris Aquino sa mga gumawa, nag-research at nag-edit ng mga videos nila ng fiance na si Mel Sarmiento

- Makikita sa mga TikTok videos na tila noon pa man, sumisibol na ang pagtingin ni Mel kay Kris

- Lalo pang ikinatuwa ni Kris nang makita ang kanyang kuya Noynoy, ang dating presidente PNoy sa mga videos

- Binati rin niya ang namayapa niyang ama na si Ninoy Aquino na sana'y nagdiriwang pa rin ng 89th birthday

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinasalamatan ni Kris Aquino ang mga taong nag-effort na i-edit ang mga file videos kung saan makikita sila ng kanyang fiancé na ngayon na si Mel Sarmiento.

Nalaman ng KAMI na viral ngayon sa TikTok ang mga videos na nakailang Parts na. Ikinatuwa at ikinakilig din ito ni Kris dahil tila noon pa man, nagsisimula na ang pagtingin sa kanya ni Mel.

Read also

Bea Alonzo, inulan ng suporta sa kanyang post kasunod ng viral IG story ni Kim Chiu

Kris Aquino, pinasalamatan ang nasa likod ng viral TikTok videos nila ni Mel
Kris Aquino kasama ang kanyang fiancé na si Mel Sarmiento (@krisaquino)
Source: Instagram

"Siguro dahil as he said “binilin ni sir na alagaan ka” naglakas na rin sya ng loob to express his crush & then his feelings," kwento ni Kris sa kanyang post.

Ipinakita rin niya ang ilan sa mga video kung saan makikita nga naman ang reaksyon ni Mel gayung nasa isang event sila noon ni Kris.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sa mga nagtiyagang mag research & gumawa ng cute subtitles, and maghanap pa ng bagay na kanta, THANK YOU"

Natuwa rin si Kris na makitang naroon din ang kanyang Kuya Noy sa mga TikTok video.

"PLUS binigyan nyo ng starring role ang kuya ko- that meant the world to us."

Binati rin niya ang yumaong ama na si Ninoy Aquino para sa ika-89 na kaarawan nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Read also

Samantha Bernardo, binigyan ng isang puntos si Kyle dahil sa 'di pagtulong sa gawaing bahay

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailan lang. Aniya, excited na siyang maging Mrs. Sarmiento.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel