Boy Abunda, masaya para kay Kris Aquino kaugnay sa engagement nito

Boy Abunda, masaya para kay Kris Aquino kaugnay sa engagement nito

- Sa isang panayam kay Boy Abunda ay sinabi niyang masaya siya para sa kaibigang si Kris Aquino

- Ito ay nang nalaman niya ang tungkol sa engagement nito sa dating DILG secretary na si Mel Sarmiento

- Aniya, bukod sa parehas silang Waray ay pawang magaganda ang narinig niya tungkol kay Sarmiento

- Dagdag pa ng prominenteng TV host, alam niyang aalagaan nito ang kanyang kabigang si Kris

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Boy Abunda, masaya siya para sa kaibigang si Kris Aquino sa engagement nito sa dating DILG Mel Sarmiento. Aniya, bukod sa parehas silang Waray ay pawang magaganda ang narinig niya tungkol kay Sarmiento.

Boy Abunda, masaya para kay Kris Aquino kaugnay sa engagement nito
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images
“I am happy about Kris’s engagement. I am happy because she is happy. I am happy because she is in a new chapter of her life,”

Read also

Kapatid ni Chie Filomeno, pinagtanggol ang kapatid sa mga pambabatikos

Pawang magaganda lamang umano ang nababalitaan niya sa fiance ni Kris kaya alam niyang aalagaan nito ang kaibigan.

“I am happy because of what I see on social media. I don’t know if I have met Mel in person, pero pareho kaming Waray. I hear nothing but good things about him and that makes me happy because I know that he is going to take care of my friend,”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa sa kanya, hindi pa sila nakakapag-usap nang personal ni Kris tungkol sa kanyang engagement at gusto umano nilang mag-usap ng personal para mas masaya.

Hindi na nagbigay ng mga detalye si Kris patungkol sa kanilang magiging kasal ngunit aniya ay magiging pribado iyon. Ibabahagi naman daw niya ang wedding video ngunit pagkatapos na ng kasal nila.

Read also

Andi Eigenmann, pinasilip ang kanilang pamamasyal sa Siargao

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailan lang. Aniya, excited na siyang maging Mrs. Sarmiento.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel